Monday, January 22, 2018

Moya Madeleine B.

OP #6

Nung gabing iyon kami'y nagaway ng ina ko,
Mga hindi pawang nasalita ang siyang nasambit ko,
Dala ang mabigat na pakiramdam,
Sabay deretso sa kwarto para magmukmok,
Sa mga sandaling iyon,
hindi na alam ang sunod na hakbang na lilikhain ko
hanggang dalawin na lang ng antok at makatulog nako.

Sa kalagitnaan ng panaginip ko,
Nagpahiwatig sa akin mismo ang Diyos
sa pamamagitan ng bangungot natauhan ako
Natagpuang ina'y nakabulagta na lang sa sulok
Nagaagaw buhay niyang sinsambit
ang tagubilin niya sa akin,
Na alagaan ang sarili
At hangad niyang matupad ang aking mithiin.

Mga sigundo'y nagdaan
Isang kahilingan lang ang nasa isipin
Sana lahat ng iyon ay hindi totoo,
upang pagkakamali'y maitama ko

Galit na galit ako sa sarili ko,
Bat sinuklian sa puso ko
Ang wa;amh humpay na pagmamahal
Na ipinadama sakin ng ina ko,
na kung hindi dahil sa bangungot
maaring maging walang katapusan
ang pagsisisi ko,
Na sana'y sinulit ang mga pagkakataong
siya pa'y nasa piling ko.

Sa totoo lang aminado naman ako,
na hindi kayang hindi makaramdam
ng pagaaruga na mula sa ina ko,
Siya lang ang naging sandigan,
sa mapusok na mundong kinalakihan ko
At nagpatatag ng aking buong pagkatao.

Sa tindi ng emosyong nadama ko,
Luha sa mata'y patuloy na naguumangos.
Pagmulat sumambulat ang ina ko natutulog
Tumingin sa taas sabay bulong sa Panginoon,
Salamat at sa kabila ng katigan ko,
hindi niyo hinayaang mangulili ang kagaya ko,
Ina para sayo ako'y magbabago
Ipapakita na karapat dapat pahalagahan ang kagaya mo

Ang tulang ito ay nakalaan
sa mga anak na kagaya ko,
Isawalang bahala ang pagaalinlangan mo,
At yakapin ang inang naghihintay
sa pagbabalik loob mo,
Pangungulila'y pawiin mo,
Pagkakatao'y sulitin mo

Bangungot na akala'y laging takot ang dulot,
Magsisilbi pang dagok
Upang makita ang kakulangan ko.

No comments:

Post a Comment