Sunday, January 21, 2018

Moya Madeleine B.

OP # 3 Titser Annie (Kronolohikal)

sa malauo at masukal na lugar ng Oriental Mindoro napiling gampanan ni titser Annie ang kanyang tungkulin bilang isang guro. Siaya ay dating guro sa pribadong paaralan. Ngunit mas ninanis niyang magturo sa pampublikong paaralan sa kadahilanang malaki ang sweldong kikitain niya sa pagtuturo doon, Ipinadala siya sa paaralan ng mga Mangyan na kung saan ilang metro ang layo sa syudad. Hindi biro ang tungkuling gagampanan ni titser Annie, sapagkat maraming nakaabang na piligro ang kelangan niyang suungin bago makatawid at makapagturo. Aang sityong labo na pinamumuhayan ng ,ga Mangyan ay sadyang malaya kaya mas pinahihintulutan ang mga lalaking guro na magturo kesa sa mga babae. Sa kabila ng mga posibilidad na pwedeng mangyari kay titser Annie mas pinili niyang isipin ang ikabubuti ng ibang tao, Sa susunod na talata matutunghayan ang paglalakbang ni Titser Annie patungo sa Labo Elementary School.

Liblib na kagubatan, masukal na daan, nag uumangos na ilog at madulas na yayapakan. Ilan sa mga pagsubok na pilit nilalagpasan ng Titser Annie sa kanyang tawag ng tungkulin. Dagdagan pa ng pawis galing sa mabigat na bag ng kanyang buhat-buhat. Pero para kay titser Annie lahat ng pagod ay napapawi kapag natanawan na niya ang mga bata at makita ang kanilang matatamis na ngiti. Nakaabang na rin sa kanila ang kapawa niya guro.

Nagsimula na ang klase, ibat ibang antas ng estudyante ang tuturuan ni titser Annie. Simula sa pinaka bata hanggang sa pinaka matanda ay matyaga niyang tinututukan upang masiguradong may matutunang bago. Makikita natin sa mga mata ng Mangyan kung gaano sila kasidido sa pagaaral. Para sa kanila ang pagkatuto ay isa sa pinaka magandang bagay na maireregalo na maibibigay nila sa kanilang sarili.

Pero may isang dalagang na kasalukuyang nasa Kindergarden ang pumukaw sa atensyon ng nagdodokumentado, ito ay si Dina. Ganon na lang ang pagkagulat nila ng tumayoito sa kinauupuan at mabilisang nagtungo sa pinto papauwi. Nang kanilang sundan napadpad sila sa bahay ng dalaga at nakita ang sitwasyon ng pamumuhay ni Dina. Ang kanya palang ina ay matagal ng may sakit na Eumonia. Si Dina ang bumibili ng mga gamot niya. Siya din ang tumatayo bilang ama ng tahanan. Sapagkat ang kanyang totoong ama ay pumanaw ng maaga. Dahil nga siya ang nagtatrabaho sa knila upang matustusan ang kanilang pang araw araw na pangangailangan \, ang pag-aaral ni Dina ay lubos na naapektuhan. Tatlong beses niya lang kaya makapasok sa isang linggo.

Ang pangunahing kinabubuhay nila Dina ay ang pagbebenta ng saging. Dahil alam ng kapitbahay nila ang tunay na sitwasyon nila, sinisigurado nilang marami ang parte ng maaangkat nito.Maglalakbay ng higit dalawang oras habang nakapasan sa kanyang ulo at likod ang kanya kinakarga. Bago siya tuluyang makabenta, Sobrang hirap muna ang kanyang mapagdadaanan. Buong akala nila na malaki ang kikitain ni Dina sa produkto nito. Subalit nakakalungkot malaman na sa araw araw na bigat na kanyang pinapasan ay kakarampot na kita lang na sapat lang sa pambili ng gamot ang kanyang maiuuwi.

Sa kabila ng lahat, makikita natin ang mga ngiti buhat sa pagsasakripisyo ng Mangyan. Kahit may mga sandaling nahantong sila sa kakapusan pinipilit parin nilang magbigayan. Sa buhay natin puro tayo hinaing, hindi natin subok akalaing may iba pa palang taong nakaksapit ng dilim pero pilit parin silang ngumingiti. Eto din ang nasaksihan ni titser Annie. Ngayong matatapos na ang nakatakda niyang serbisyo sa pagtuturo niya sa Sityong Labo, pero walang agam niyang sinabi na mananatili na lang siya ng minsa'y matanong ang susunod na pasya niya,

No comments:

Post a Comment