Sunday, January 21, 2018

Marilou Salugsugan: OP#4

"Kasaysayan ng Paaralan ng San Agustin"

     Ang San Agustin ng Tanza, Cavite ay ipinangalan pagkatapos ng 'Tata Osteng' noong February 14, 1969 ayon kay Monsignor Francisco V. Domingo. Isa sa mga namuno nito ay si Sr.Ranin ngunit lumisan din ito. Kasunod nito ang namuno naman bulang principal noong 1971 ay si Sr.Matilde, namuno ito sa loob ng dalawang taon habang si Ms. Ma. Leona naman ay naging principal ng Elementarya noong 1972 hanggang 1973. Sa kasalukuyan ang San Agustin na logo ay dinisenyo ni Norgin Molina isa sa mga estudyante noong 1958 kasama ang kanyang guro na si Mr. Justo R. Cabuhat Jr.  Ang salita na nasa gilid ng logo ay salitang latin na ang ibigsabihin ay 'Si Possunt cur non Ego' na sa english ay 'If they can, why can't I' ito ay isa sa mga kilalang panipi ng eskwelahan. Ito ay sumisimbolo din para sa kahusayan, kasiyahan at katuparan sa dyos. Ang paaralan ng San Agustin ay mas kilalang paaralang paglalathala 'The Crosier' at 'Ang buko' bilang pag mungkahi na kandidato sa CMMA o Catholic Mass Media Awards. Sa kasalukuyang panahon hindi lamang pang Elementarya at High School ngunit mayroon na rin itong pang Senior High School na itinatag ngayon lamang taong 2016 na pinamunuan ng principal ng Paaralan na si Ms. Mercedita Pacumio.

No comments:

Post a Comment