OP# 3
Sintesis
Teacher Annie
Si Teacher Annie Masongsong ay isang titser sa isang pribadong paaralan ngunit siya rin ay nagtuturo sa Sitio Labo sa mga mangyan. Una, si Titser Annie ay dumadaan sa bangin, bundok at mga ilog. Labing anim na ilog ang kailangan niyang tawirin upang makarating sa Sitio Labo. Habang papunta sa Sitio Labo ay naabutan niya ang ilang mgaa batang kinukuha ang mga libro sa paanan ng bundok, sapagkat ang mga libro ay isang linggo na doon at noong araw na iyon lamang bumaba ang tubig. Pangalawa, Nang makarating siya sa Sitio Labo ay agad siyang nagluto at namigay ng candy sa mga bata. Ikatlo, Sama-samang tinuturuan ni Titser Crisel ang mga bata simula Grade 1 hanggang Grade 6. At si Titser Annie naman ay mula kinder hanggang Grade 3. Isa sa tinuturuan ni Titser Annie ay si Nanay Lea, Gusto niyang matuto upang hindi siya maloko ng mga tao. At ang isa pa ay si Dina, dalawampung taong gulang mula sa kinder. Ngunit minsan ay hindi na siya nakakapasok sa paaralan dahil inaalagaan niya an kanyang Nanay Bilma na mayroong pneumonia. Matapos umuwi ay umalis si Dina at mga kasama upang magtrabaho sa sagingan sa liblib na parte ng kagubatan. Sumunod naman ay binuhat ni Dina ang mga nakuhang saging at mahigit dalawang oras ang kanyang ginugol upang marating ang kamalig. Matapos kiluhin at bilangin ang mga saging na dala ay kumita lamang siya ng 144 pesos na ipambibili niya ng gamot ng kanyang ina. Lumakad muli si Dina patungong pinakamalapit na botika. Sa isang oras niyang paglalakad ay dalawang pirasong gamot lamang ang kanyang nabili. Matapos iyon ay bumalik na siya sa kanilang Sitio. Sumunod naman ay, Bago pumunta si Titser Annie sa Sitio ay binibilihan niya ang ina ni Dina nang ilang gamot, bigas at mga de latang pagkain. Sapagkat si Dina ay tumutulong din naman sa kanila. si Titser Annie ay nilipat na sa Banso District sa Villa Pag-asa Elementary School. Pero sa huli, pinili niyang hindi na umalis sa Sitio Labo dahil siya ay masayang makatulong at napamahal na din siya sa mga mangyan.
No comments:
Post a Comment