Sunday, January 21, 2018

Moya Madeleine B. 


Suriin mo na!

1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag-unawa?
          - Para sa akin, ang posisyong papel ay isang sulatin na kelangan mong panindigan sa isang pinaniniwalaan mo. At kelangan ng maraming ebidensya upang maging suporta hanggang dulo at makapanghikayat ng maraming tao. Isang ideya na batay sa pansarili mong pananaw.

2. Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng isang posisyong papel?
          - Upang mas epektibo mo mapakita sa tao ang dapat nilang panindigan, at masipat nila ang kalakasan ng argumento mo.

3. Ano ang mahahalagang elemento ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?
          - Para sakin dapat detalyado para lahat ng maaring tanong na mamuo sa isip ng tao ay agad maharangan ng sagot na galing sa mismong nilalaman ng posisyong papel.

4. Ano-ano ang nililinang na kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel?
          - Ang mapagobserba at maagap. Sa bawat kahinaan na nakikita mo dapat gad mo itong nilulutas ng sa ganon maging matagumpay ang kinahinatnan ng posisyong papel mo.

5. Mahalaga bang isaalang-alang ang babasa ng iyong posisyong papel? Bakit?
          - Opo, dahil dahil isa sa layunin ng posisyong papel mo ay makapamulat ng taong hindi pa sigurado sa mga pinaniniwalaan nito.

Isabuhay mo Na!

1. Ano ang isyung binigyang diin sa Posisyong Papel?
          - Patungkol sa paggamit ng wikang Filipino nilang wikang panturo sa Kolehiyo at pagsama nito bilang isa pang asignatura sa mga Unibersidad.

2. Paano inilahad ang posisyon sa posisyong papel?
          - Pinakita nito na ang paghahangad nilang mas mapabuti ang kalagayan ng mga estudyante at mabilis nilang maunawaan ang bawat leksyon na itinuturo sa kanila.

3. Paano inilatag ang mga ebidensya hinggil sa isyu? Ano-ano ang mga ito?
          - Inilatag ito gamit ang dekalidad o makapagkakatiwaang ebidensya. Ito ay ang Saligang Batas.
  • 1987 Konstitusyon Artikulo XIV, Seksyon 6
4. Ano ang naging kongklusyon sa posisyong papel?
          - Napagtanto nila na may kasiguraduhan na pag-unlad ng bansa kapat nagkakaisa tayo at pinaiigting natin ang kaalaman sa sarili nating wika

5. Ikaw, ano ang paninindigan mo sa isyu?
          - Para sa akin dapat paigtingin ang ating wika , dahil eto ang nagbubukas ng ating nasyonalismo at kasunod na paghangad sa pagpapaunlad ng sariling atin, Naniniwala din naman akong mabuti ring mapag aralan natin ang ibang dayalekto para kahit saan man tayo dalhin madali tayong makikibagay.




Simulan Mo Na

1. Unang una itatanong ko sa mga saksi kung nakita ba nila ako nakain ng saging sa anong oras at lugar ako nakita, para sa pagkakataong iyon makahanap ako ng ibang tao na nakasama ko noong panahon na yon na pwedeng magpatunay na wala akong ginawang masama. At sasabihin ko na sa halip na mangdulas ako mas gagawa na lng ako ng may kapararakang bagay.

2. Kung ang pagnanakaw ang intensyon ko sana hindi mo binalik. Maaring galit ako sayo pero hindi ko galit sa taong nagsikap para ibigay sayo yang pera na yan. At hindi kaya ng kunsensya kong may taong nahihirapan dahil sa galit na nararamdaman ko.

3.Hindi pwedeng ihalintulad ang isang tao sa iba. Maaring ama ko siya, pero hindi kami parehas na parehas ng mundong kinamulatan. At alam ko ang magiging kapalit ng katiwaliang gagawin ko, Hindi ako papasok sa sitwasyong sa huli ako dehado.

No comments:

Post a Comment