OP# 2
"Epekto ng Maagang Pagbubuntis ng mga mag-aaral sa
Tanza National Comprehensive High School"
Abstrak:
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman at mabatid ang Epekto ng maagang pagbubuntis sa mga mag-aaral at sa kanilang buhay. Ang nasabing pananaliksik ay isang uri ng deskriptibong pananaliksik at ang mga respondente ay ang mga mag-aaral sa paaralang Tanza National Comprehensive High School, at ilang guro na mayroong kaalaman sa pagbubuntis. Ang bilang ng mga respondente ay mula 5 hanggang 10 na nasa edad 14 hanggang 17. Isa sa lumabas na sagot sa sarbey ay ang pagtigil ng mga mag-aaral sa pag-aaral sa kadahilanang sila ay nahihiya at maaaring ma-bully. At ang pangunahing dahilan ay ang pakikipagtalik sa maagang edad na hindi nabibigyang gabay ng kanyang mga magulang. Ang mga dahilang ito ang nagsisilbing ideya upang maging rebelde ang isang mag-aaral at gumawa ng mga bagay na alam nilang mali ngunit makapagpapasaya sa kanila. Ang kawalang sapat na kaalaman sa Sex Education ay isa pa rin sa mga dahilan kung bakit nabubuntis ang isang kabataan. Malaking responsibilidad ang magiging epekto at haharapin ng isang batang ina. Kahihiyan ang unang epekto at mahihirapan harapin ang hamon ng buhay.
No comments:
Post a Comment