Tuesday, January 16, 2018


Mary joy B. Carmen
OP#1


"Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema, o mga tanong na binibigyang kasagutan ng mag aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes, at pananaw" 

    Ano nga ba ang kahalagahan ng pagsulat? Bilang isang mag-aaral mahalagang matutunan natin kung paano ang sumulat. Dahil ang pag sulat ay isa sa mga napakahalagang bahagi ng kailangan isaalang alang o matutunan ng isang mag-aaral. Dahil dito nagkakaroon ang isang mag-aaral ng kakayahang gumawa ng maayos na pagsulat base sa kanyang pag-unawa at pag-iintindi. 
          
          Sa pagsulat natututo tayo na makapag isip ng magagabdang ideya o impormasyon na nais nating malaman, ngunit bago tayo gumawa ng isang sulatin isinasaalang-alang muna natin ang mga kinakailangang hakbang sa pagbuo ng sulatin. Una, pinag-iisipan nating mabuti ang paksa o tema ng ating sulatin na maging kawili-wili ito para sa mga mambabasa. Pangalawa, kinakailangan nating humagilap ng mga impormasyon na makapag gagabay sa ating sulatin o paksa. Pangatlo, upang mas maging maayos ang isang sulatin kailangang konektado ang bawat isa na mas makapag bibigay kaalaman o mahikayat ang mambabasa na tapusin ang teksto. 

      Kinakailangang isaalang-alang ng isang manunulat ang mga katangian, layunin at kahalagahan ng pagsulat. Dahil dito mas magkakaroon ang isang mag-aaral ng kaalaman kung paano niya maisasaayos ang sulating nais niyang magawa. Sa gabay ng mga ito magiging maayos at kaingga-ingganyo ang sulatin, sapagkat mayroon siyang ginagabayan sa paggawa ng sulatin. 

No comments:

Post a Comment