Moya Madeleine B.
Sulatin #1
Bakit kelangan malaman ang kalikasan,layunin, at paraan ng pagsulat ng ibat ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag aaral sa ibat ibang larang akademiko.
Sa kahit anong aspeto ng pagsulat may isang layunin na dapat pinagkakasunduan at pinapahalagahan. Ito ay ang pumukaw ng damdamin galing sa taong babasa o makikinig sa kanilang sulating nilikha. Dahil ang kakaibang epektong na kanilang mararamdaman ay humantong sa pagtangkilik sa susunod pang lilikhain o pagrekominda sa taong hindi pa nakababasa nito. Ngunit bago tayo dumako sa pagsulat kailangan alamin kung para saan ba ang ating pagsulat. Kung pagsasalaysalay ba na ang hinihingi ay pagkwekwento, paglalarawan na kinakailangan ang detalyadong paglalahad ng naoobserba sa paligid, o di kaya pangangatwiran na kumakailangan ng matitibay na ebidensya upang mapagtibay ang paninindigan ng isang manunulat.
Sa mga nabanggit, masasabi natin na sa ating pagsulat inaalam natin kung ano ba talaga ang layunin, kalikasan, at paraan upang makapag bigay tayo ng mabisang sulatin.Dahil sa lahat ng ating pagsulat, marapat natin itong bigyang saysay. Lahat ng sulatin ay may nilalayon. Mas mapapadali tayo kung alam na agad natin kung paanong atake ang ating gagawin upang agad makakuha ng atensyon sa marami.
Madali din natin mahuhuli ang mambabasa dahil lubos na agad nating mahuhulaan kung ano ba talaga ang kanilang ayaw at gusto. Sa paggawa matutuunan na agad natin ng pansin ang parteng kinaabangan ng ating mambabasa. Sa ating mapagisip na pagtuklas sa mga bagay bagay, masisiguradong dadaloy ng matagumpay hanggang wakas.
No comments:
Post a Comment