Sunday, January 21, 2018

Moya Madeleine B. 

Journal #2
Pamagat ng Paksa:"Internship : Kwentong Loob ng Tagalabas"
Mananaliksik: Graziel Ann Ruth Latiza
Institusyon: Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo sa Arte at Literatura, Diliman Lungsod Quezon
Mahalagang impormasyon ng pagaaral

Ang kaapihan, katiwalian at korupsiya ay nangyayari din sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon. Ang mga doktor ay hindi kayang makipagkapwa-tao sa mga pasyente at katrabaho nito.  Mas inuuna na ng mga doktor ang mga bagay na makapagpapayaman sa kanila kesa sa mga hinaing. nararamdaman at dinudulog sa kanila ng mga tao. Bilang doktor layunin nila ang manggamot at isipin ang ikabubuti ng mga tao. Ngunit sa paksang ito lumalabas na ang mas inuuna ng doktor ang pansarili nitong ikabubuti. Napakita din sa pag-aaral nito ang walang etikal na pakikitungo ng mga doktor ay patuloy na nararanasan ng karaniwang taong pupunta at magpapasuri sa ospital.

Kahalagahan ng pag-aaral

Malalaman natin ang kasalukuyang problema ng mga pasyente pagdating sa serbisyo ng mga doktor. Bukod doon malalaman din natin kung meron pa bang mga ospital na maganda ang intensyon sa tao. Kung mas pinapahalagahan pa ba nila ang kanilang sinumpaang trabaho o magpapadala na lang sila sa negatibong oportunidad na nakahain sa kanila.

1. -Ang nasa libro ay tungkol sa hindi etikal na pakikisalamuha ng mga doktor sa kanilang pasyente pati na rin sa katrabaho.
-Epekto ng pagiging batang ina sa aspetong emosyonal, spiritwal, mental,pinansyal,relasyunal, sosyal gamit ang prsonal na karanasan nito

2. Tema, ang isa ay sitwasyong ng mga taong may pinag aralan, at ang isa nmn ay kwentong tungkol sa pagiging batang ina kaya't nawalan ng oportunidad makapagaral. Ngunit ganon pa man, masasabi nating wala sa antas ng edukasyon o natapos ang makakapagdikta sa etikal ng isang tao.\
-deskriptibong abstrak, naglalaman ng paksa,layunin at kalikasan
-impormatibo abstrak, kabilang na ang metodohiyang ginamit at may resulta na

3.Para sa akin Ang Internship ng Doktor kasi hinimay himay nila maigi ang mga impormasyon pati narin mas maiintindihan natin dahil galing sa personal na karanasan kaya malalim ang pinanghuhugutan.




















No comments:

Post a Comment