Suriin mo Jan. 22
- Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?
Ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay, dito mo malalaman kung ano ba ang tunay na nararanasan ng isang tao at layunin rin nito na matuto tayo sa ating mga karanasan sa buhay at kung paano tayo tatayo at babangon
- Bakit kailangang gumamit ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
Sa sanaysay kadalasan gumagamit ng deakriptibong wika kung paano sumulat nito dahil dito mo malalaman kung ano ang katangian nito at kung ano ba ang ipinapahiwatig nito. Dito rin kasi kadalasan mababatay kung paano ito mabilis maunawaan
- Ano-ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?
Sa pagsulat ng repleksiyon, hindi ito barabara na lamang na gagawin basta may maipakita lamang kundi may mga mahahalagang bagay din na dapat tandaan katulad na lamang ng layunin at mga kakintalan na naghuhudyat kung ano ba talaga ang nais mong iparating ayon sa iyong isinulat na replektibong sanaysay
- Bakit mahalagang matutunan ang ganitong uri ng sulatin?
Mahalagang matutunan ang ganitong uri ng sulatin dahil dito mo malilinang yung mga bagay kung ang bagay ba na iyong iginawa ay tama ba o mali. Dito mo rin malilinang kung paano gumawa ng maayos na replektibong sanaysay
- Ano ang mahalagang sangkap na dapat mayroon sa pagsulat ng replektibong sanaysay? Bakit?
Sa pagsulat ng replektibong sanaysay hindi lamang ito isinulat ng basta basta na lamang ngunit may mga mahahalagang sangkap din ito upang mapaganda at mapaayos ang paggawa nito katulad na lamang ng dapat ay galing sa puso kung paano mo ito inililinang at isinasabuhay din ito
No comments:
Post a Comment