Sunday, January 21, 2018
Marilou Salugsugan: OP#1
"Ang pagsulat ay umiinog sa paksa, tema o mga tanong na nabibigyang kasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin dependa sa kanyang kaligiran, interes at pananaw
Ang pagsulat ay isinasagawa sa kadalasan sa sulating papel subalit inililinang dito ang layunin upang mas madaling maunawaan kung ano ba ang nais nitong marating. Sa paglinang ng pagsulat dito ay inilalabas ang emosyon ng isang tao kung ano ba ang tunay na nararamdaman nito ay mayroon ding umiikot sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga paksa, tema o mga tanong na kung saan ay naibibigyang kasagutan ng mga mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes, pananaw subalit pede ka ring kumuha ng ideya sa pamamagitan ng mga ito. Kung ang isang mag-aaral ay lilinang ng sulatin dapat ito ay maiintindihan ng kanyang mambabasa at dapat ay isinisigurado nya na sya ay mayroong paninindigan kung bakit nya iyon iginawa. Ang pagsulat ay dapat mayroong nilalaman katulad na lamang ng paksa o tema upang mas mapadali ang pagkakaintindi ng mga mambabasa na kung saan magiging kawiliwili ito pagdating sa kanila. Ang pagsulat ay isang proseso na pakikipag komunikasyon upang maipabatid nya sa iba kung ano ang tunay nyang mararamdaman na isinasaloob hindi lamang sa isipan kundi isinasapuso din. Kung ang isang mag-aaral ay mangangalap ng iba pang impormasyon sinisiguro nya na mayroon itong pagkilala upang hindi ito makasuhan ng pangongopya o tinatawag nating "Plagiarism" sapagkat masamang gawain ito
Sa pagsulat, maaaring manghingi tayo ng ideya sa ibang tao depende kung ano ba ang kanilang naranasan o nararanasan sa kani-kaniyang buhay maaari ka rin na makipag brainstorming sa iba upang lalo pang mapaganda kung ano man ang nais mong isulat. Kung isa sa mga taong napagtanungan mo na mayroong tanong at iyo naman itong lubos na naunawaan maaari mo itong masagot sa pamamagitan ng iyong isinulat ngunit kailangan mo itong sundin at mapagaralang mabuti kung ano man ang nilalaman ng mga iyon upang ang iyong isinulat ay maging pakipakinabang ayon sa kanila.
Mas madaling maunawaan ng mga mag-aaral kung ang iyong pagsulat ay inihahayag kung ano ang gumugulo sa kanikaniyang isipan. Mas magiging epektibo ito kung sila ay mayroong naiwang kakintalan sa isipan na maaaring mag bigay na kalinawan at lalo na na magbigay ng kabuluhang pag-iisip at repleksyon na maaari din nilang magamit sa kanikaniyang buhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment