Sunday, January 21, 2018

Marilou Salugsugan: OP#3

(Sekwensiyal) Sintesis OP3
     Iwitness: Teacher Annie
             Una, hindi nya pinangarap ang mamuhay ng magirap dahil sino mang tao ay hindi gugustuhing mamuhay ng isang kahig isang tuka at mamuhay ng walang wala. Nakatago sa isang liblib na kagubatana ang isang silid aralan ngunit bago ito marating ay kailangan pa itong lakarin ng isang guro na si Titser Annie. Ilang taon na itong nagtuturo sa isang pribadong eskwelahan. Makalipas ang ilang oras na paglalakad ay ilog na naman ang susuungin upang marating ang komunidad ngunit ang anim na ilog na ito ay malalalim kaya naman dagdag pasakit din ito para sa kanya

             Pangalawa, nang marating ang komunidad sa tulong ng kalbaryo ay napawi lahat ang sakit na dinanas ni Titser Annie. Sa maliit klasrum na pinapasukan nya ay mararamdaman ang init na ng gagaling sa sikat ng araw dagdag pa nito ang walang tubig kung ikaw ay hindi mag-iigib gaano man kasalat ang lugar ngunit makikita dito na marunong mag bigay ang mga bata at marunong din itong tumanaw ng utang na loob at mag malasakit sa ibang mga batang mangyan. Sa bawat araw na nag daan, hindi ito madaling turuan ang mga mangyan.

             Sa huli, bago matapos ang araw ay gumawa o nag tuturo si Titser Annie kasama ang kanyang kaibigan na nag tuturo din. Hindi lamang sila nag tuturo para sa mga bata, kundi para din sa mga batang mangyan na gustong gusto kung paano mag basa at sumulat. Libre man ito para sa kanila ngaunit para sa mga gurong katulad ni Titser Annie ay wala itong dagdag sa kanyang suweldo ngunit para sa kanya bilang isang guro, matuto lamang itong bumasa at sumulat ay isang napakahalagang bagay na ito na kailan man ay hindi makakalimutan ng iba.

No comments:

Post a Comment