Sunday, January 21, 2018

Moya Madeleine B. 

OP #2 Deskriptibo Abstrak

Ampalaya Cookie

Nilalayun ng pananaliksik na ito ang makapagbigay ng dagdag kaalaman kung paano maisasama ng mga magulang ang sangkap na ampalaya sa pagkaing kanilang lulutuin para sa kanilang mga anak.
Nabanggit sa pananaliksik na ito ang mga benepisyong maibibigay ng ampalaya sa ating katawan sa paggamit nito malulutas ang mga pangunahing sakit ng tao katulad ng diyabetis, Bukod pa don nagtataglay din ito ng mga bitaminang makakatulong sa pang araw araw nating buhay.

Nilalaman ng pananaliksik na ito ang proseso sa paggawa ng Ampalaya Cookie, na magiging solusyon ng magulang upang makapagpakain sila ng isang pagkaing hindi lang masustansya kung di masarap din.

Nailalahad dito kung bakit napili nilang gamitin ang Cookie. Ito daw marahil ang hilig ng mga bata ngayon. Ang panlasa ng mga bata at kahiligan nila sa matamis ay naging daan upang makatuklas sila ng isang pagkaing naisasama ang layunin nila. Ayon sa kanila, kapag gumamit sila ng matamis na sangkap, maitatago na nila ang mapait na lasa ng Ampalaya.

Sa kabuuang proseso, masasabing ang paggawa ng Ampalaya Cookie ay abot kaya at madaling gawin, Dahil ang mga pangunahing sangkap sa paggawa nito ay ang pangkaraniwang ginagamit sa pang araw- araw na luto. At pang huli ang paggawa ng Ampalaya Cookie ay hindi nangangailangan ng sobrang kaalaman sa pagluluto.

No comments:

Post a Comment