Saturday, January 20, 2018

Camarillo

OP# 4

Ang Kasaysayan ng Saint Augustine School
Isang Sintesis


                    Ang paaralang San Agustin ay ipinangalan sa patron ng bayan na si Saint Augustine (San Agustin) o mas kilala sa tawag na Tata Usteng. Ang paaralang San Agustin ay itinatag noong Pebrero 14, 1969 ni Monsignor Francisco V. Domingo na pari sa parokya noong mga panahong iyon. Pumasok sa kanilang isipan na ang Paaralang San Agustin ang magbibigay at huhubog sa mga kabataan ng may kalidad na edukasyon. Binuksan sa publiko ang Paaralang San Agustin noong Hunyo, 1969. Kinder at Baitang 1 lamang ang unang ipinatupad ng paaralan. Ang kauna-unahang punong guro ng paaralan ay si Sr. Angeles Gabutina na nagsilbi ng dalawang buwan bago palitan ni Sr. Clemencia Ranin

                    Kahanga-hanga ang naging resulta ng unang taon ng paaralan. Mula 44 na mag-aaral at 2 guro dumaan ang mga taon at naging mabilis ang pag unlad ng paaralan. Dumami na ang mga guro at maging ang mga mag-aaral. Makalipas ang isang taon isang gusali sa kaliwang parte ng simbahan ang ipinatayo. At noong 1971, Ang gusali para sa Sekondarya ay ipinatayo at natapos din noong 1972. Noong umalis si Sr. Ranin bilang punong-guro ay si Sr. Matilde naman ang pumalit sa kanya taong 1971. Siya ay nagsilbi sa paaralan ng dalawang magkasunod na taon habang si Sr. Ma. Leonora naman ay  nagsilbing punong-guro sa elementarya noong 1972-1973. Noong 1973-1976 si Bb. Patricinio San Juan naman ang pumalit. Noong taong 1975 naman ay nagretiro na si Monsignor Fransico V. Domingo bilang pari at direktor ng paaralan.

                    Noong taong 1975-76 ay nagkaroon ng bagong administrasyon ang Paaralang San Agustin. Si Fr. Luciano Paguiligan ang naging bagong direktor ng paaralan. Taong 1997 ng umalis si Bb. San Juan sa pagiging punong-guro at pinalitan naman ni Fr. Corsie Legaspi  na tumagal simula 1978-79. At noong taong 1979-80 si Sr. Teresita Octavio na ang umaktong punong-guro, na sinundan ni Bb. Hernandez taong 1980-89 at si Rev. Fr Teodoro Bawalan bilang direktor ng paaralan. At ngayon ay si Bb. Mercedita Pacumio ang tumatayong punong-guro simula 1989 hanggang kasalukuyan. Mahabang taon na nga ang lumipas simula ng maitatag ang Paaralang San Agustin. Marami ng napagdaanan at sulit lahat ng mga iyon.

No comments:

Post a Comment