Sunday, January 21, 2018

Danielle Reque OP#6 “MAMA” Ina tatlong letra isang salita, Madalas mang nahihirapang ngunit kayang Tiisin ang lahat para sa kanyang minamahal, Minamahal na hatid sakanya’y ligaya At walang katapusang pagmamahal. Pero paano ng aba, paano ng aba natin Maipaparamdam na mahal natin siya. Sa pamamagitan ng pagsusumikap, Pagsusumikap na maabot ang pangarap Pangarap na makapagtapos ng pagaaral at Magkarron ng magandang buhay. Na isa ring pangarap ng ina para sakanyang anak. Kaya ina konting tiis nalang, ako na Ako na ang papalit sayo Pangako ko lahat ng sakripisyo At paghihirap ay magiging sulit Hintay ka lang ma, malapit na. Limang buwan pa, Limang buwan nalang ang hihintayin Upang ika’y muling makapiling Bawat minuto’y susulitin at pupunan ng masasayang alaala. Walang sasayanging minuto’t oras sa iyong piling. Kaya ina, maraming salamat Salamat sa napakaraming bagay Sa sakripisyo pagaalaga at pagmamahal Pangako ko sayoy di mapapako  

No comments:

Post a Comment