Sunday, January 21, 2018

Marilou Salugsugan: Pamilya (Spoken Poetry)

Pamilya

Pamilya, kasama mo bumuo ng ala-ala
Malungkot at peding masaya
Hindi man perpekto pero nag papasalamat ako na tayo ay kumpleto
Hindi maaalis ang pagkakaroon ng probles
Sa bahay? Sa lupa? Lalo na sa pera
Pero ako'y masaya dahil tayo ay sama-sama
Nagpapasalamat ako sa aking ina na walang sawang sumusuporta, walang sawang pag-aalaga at sa walang sawang kalinga
Pitumpo't pitong taon kong nararanasan na ikaw ang aking nasasandalan, na ikaw ang aking naiiyakan
Tinutuan mo ako kung paano mag patawad at makuntento sa mga bagay  na meron ako
Sa aking ama na nagsilbi kong lakas sa araw na mahina
Nagsilbi kong panyo sa mga luhang tumutulo
Nagsilbi ilaw sa mga araw na madilim
At lalong nag papasalamat ako dahil tinuruan mo ako kung paano huwag mag kimkim
Sa aking mga kapatid, hindi ko mabatid kung gaano nag uumapaw ang aking kaligayahan pag tayo ay nagtatawanan
Kahit tayo ay madalas magkatampuhan
Madalas nagkakasumbatan ngunit wala paring tatalo sa pagmamagal na walang katapusan
Masaya ako dahil sa kumpletong pamilya
Wala mang kaming pera ngunit hindi namin iyon iniinda basta kami ay sama-sama
Isa pa s parteng aking pamilya ay ang ating Panginoon
Salamat sa mga panahon na kailangan kong umahon at palagi kang naandoon
Salamat sa mga biyaya, kahit ang pamilya ko ay hindi marangya
Salamat sa aking pamilya na nagsilbing kaibigan na nagtutulungan sa likod ng masasamang karanasan
Ganoon pa man kami ay nagmamahalan
Kaya naman sisikapin kong pangarap ay maabot ng walang pangamba at takot
At pag nangyari na ito ang unang dadalhin sa karangyaan ay kayo
Sama-sana tayo na aalis sa mala impyernonf kahapon

No comments:

Post a Comment