Saturday, January 20, 2018

Camarillo

Sulatin blg. 3
pahina 38.

Talumpati: Ako ay Pilipino

1. Para sa akin ang talumpati ay ang paglalahad ng iyong ninanais na iparating sa ibang tao na may kasamang paninindigan at upang maiparating sa ibang tao kung ano ang kanilang nararapat na gawin.

2. Ang mga mahahalagang salik na dapat bigyang-diin sa pagsulat ng talumpati ay ang iyong paninindigan, dapat nating panindigan kung ano ang gusto nating iparating sa bawat tao. At kailangan din nating maging determinadong ipakita sa kanila kung ano ang kinakailangan nating panindigan.

3. Mahalagang isaalang-alang ang tagapakinig sa pagtatalumpati sapagkat sila mismo ang binibigyan natin ng mensahe o impormasyon na nais nating ipabatid sa kanila. Walang saysay ang ating talumpati kung wala namang makikinabang dito.

4. Ang uri ng talumpati na aming napanuod ay isang isinaulong talumpati. Dahil ang mananalumpati ay walang dala na papel upang basahin at siya ay handang magsalita sa unahan.

5. Nakasisigurado ang isang mananalumpati na napukaw niya ang damdamin ng kanyang tagapakinig kapag ang kanyang inilalahad ay alam ito at maaaring nararanasan niya din. At ito ay nagbibigay ng saya sa kanyang tagapakinig.


Spoken Poetry: Engkwentro

1. Para sa akin ang isang Spoken Poetry ay isang paglalahad ng isang karanasan ng isang tao at kung paano niya hinarap ang mga bagay-bagay.

2. Ang mahahaagang salik na kailangang bigyang diin ay ang pagiging totoo sa sarili at ang pagiging mapanindigan. Mahalaga ang mga ito upang mas maayos nating mailahad ang ating karanasan na makapupukaw ng pansin sa mga tagapakinig.

3. Mahalagang isaalang-alang ang kanilang tagapakinig sapagkat sila ang makatatanggap ng mensahe at aral na nais ninyong iparating.

4. Ang uri ng spoken poetry na aming napanuod ay Impromptu.

5. Nakasisiguro ang naglalahad na napukaw niya ang damdamin ng kanyang tagapakinig kapag nadadalan na ang emosyon ng kanyang mga manunuod at maayos mo itong inilahad.

No comments:

Post a Comment