OP#3 Sintesis
"Titser Annie"
Si titser Annie isang mabuti at maimpluwensiyang guro, linggo-linggo ay tinatahak niya ang sitio Labo, matitirik na bundok, mabababaw at malalalim na mga ilog ang kaniyang tinatahak, pero hindi ito naging hadlang upang sukuan ang mga mag-aaral na handang matuto. Idinitalye sito kung anu-ano ang mga naging karanasan ni titser Annie sa pagtuturo niya sa mga mangyan at mga magulang. Napakahirap ng pamumuhay ng mga mangyan sa pagkat walang kuryente at kailangan pang mag-igib ng tubig para sa kanilang inumin. Si titser Kristel ay isa sa nakakatulong ni titser Annie sa pagtuturo simula kindergarten hanggang grade 6. Isa si Lea Baldo sa mga tinuturuan ni titser Annie sa mga nakatatandang mangyan. Isa din naman si Dina sa tinuturuan niya sa kindergarten, si Dina ay 17 anyos na ngunit ngayon lamang siya natutong magsulat at magbasa.
Ikalawang bahagi ay idinitalye ni Kara David ang istorya sa kabila ng pag-alis ni Dina sa silid aralan. Habang sinusundan si Dina ay narating nila ang isang maliit na bahay na kung saan ay nakatira si Dina. Nakita ni Kara David ang isang matandang babae na walang tigil sa kauubo sa kadahilanang ito ay may sakit na dinaramdam na dalawang taon ng binabatid ito ay ang ina ni Dina na si Bilma. Dahil sa kahirapan ng buhay ay hindi na muling napakunsulta ang matanda at hindi na rin nabibilhan ng gamot. Sa loob ng dalawang oras na pag lalakad pasan ang napaka bigat na saging ay narating nila ang kamalig upang ibenta ito at ipambili ng gamot ng ina, sa napakabigat ng kaniyang pinasan ay 144 pesos lamang ang kanyang nakuha.
Ikatlong bahagi ay ipinakita parin ni Dina kung gaano siya kasaya sa kabila ng kakarampot na perang nakuha. Agad na pumuntang botika si dina upang mabili ang gamot ng ina. Sa perang kanyang nakuha ay dalawang piraso lamang ng gamot ang kaniyang nabilu at naiuwi sa ina.
Kamakailan lamang ay sinabihan si titser Annie na tapos na ang kaniyang pagtuturo sa Sitio Labo. Ngunit hindi tinanggap ni titser Annie ang alok sa halip ay nanatili pa rin siya sa mga mangyan.
Ikaapat na bahagi ay idinitalye kung papaanong sakripisyo ang ginawa ni titser Annie para lamang maturuan ang mga mangyan, pero sa kabila nito ay hindi nagpatinag si titser Annie sa mga pangyayari na kaniyang naranasan. Si titser Annie ay hindi isang doctor o milyonaryo, ngunit ang kaniyang pagtatyaga at pagtulong ay hindi mapapantayan ng kahit na anong bagay at nakapagbibigay inspirasyon sa mga mangyan na patuloy na magsumikapsa buhay.
No comments:
Post a Comment