Saturday, January 20, 2018

Camarillo

OP# 1

"Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema o mga tanong na bibigyang-kasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes at pananaw."


                    Ang pagsulat ay hindi basta-basta lamang ginagawa. Nararapat na magkaroon tayo ng sapat na kaalaman kung paano tayo makapagsusulat ng maayos at naaayon sa tamang proseso. Mahalaga na nauunawaan natin ang mga proseso na ito bago tayo magpatuloy sa pagsulat. Ang pagsulat ay hindi naglalaman ng kung ano-ano lamang bagkus ito ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon na makatutulong sa ating mga mambabasa.


                    Ang pagsulat ay naglalaman ng paksa, tema at mga katanungan na kinakailangang masagot ng isang mag-aaral depende sa kanyang interes at pananaw. Ito ay umiikot sa paksa, sa kadahilanang hindi tayo makapagsusulat ng maayos kung tayo ay walang paksang sinusunod. Hindi rin natin malalaman ang ating isusulat kung wala tayong paksa. Samakatuuwid, hindi tayo  maaaring magsulat ng isang Akademikong Sulatin kung tayo ay walang paksa. Pangalawa, hindi rin tayo makagagawa ng isang sulatin kung wala tayong temang sinusunod. Ang tema ay isang mahalagang parte ng sulatin na kung saan sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng buhay ang ating isinusulat. Mahalagang mayroon tayong sapat na kaalaman dito upang mas mahasa tayo sa pagsusulat ng isang Akademikong Sulatin. Ang ikatlo naman ay ang kaalaman natin kung paano bumuo ng mga katanungang masasagot ng mga mag-aaral ayon sa kanilang interes o pananaw sa buhay. Na makatutulong sa kanila upang malinang ang kanilang isipan. Ang mga nabanggit ay ang mahahalagang parte na dapat nilalaman ng isang Akademikong Sulatin.


                              Ang pagsulat ay kinakailangang gamitan ng mapanuri at malalim na pag-iisip at kailangang isinasaalang-alang natin ang paksa, tema at mga katanungang dapat nating ibigay sa mga mambabasa. Nararapat rin natin itong bigyang pansin dahil ito ang mahahalagang nilalaman ng isang sulatin. Nararapat din na mayroon tayong sapat na impormasyong naibigay sa kanila. Dahil ang pagsulat ay maaari din nating gawing libangan at ilabas mga saloobing hindi natin mailabas at ito rin ay isang libangan upang takasan ang realidad at bigyang saya ang ating sarili.

No comments:

Post a Comment