Moya Madeleine B.
OP #4
Si Possunt cur nun Ego o kung sa Ingles ay "If they can Why can't I". Isa sa tinaguriang motto ng paaralang Saint Augustine School, na hango sa linyang nagmula sa kanilang patron na si San Agustin o mas kilalang "Tata Usteng". Itinatag ang paaralang ito hindi lang para makapagturo kung di para din hubugin ang matibay na paniniwala ng mga Kristyano kay Kristo. Ang paaralang ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng De Lasalle.
Itinatag ito noong ika -14 ng Pebrero 1969 ni Francis V. Domingo na kasalukuyang pari noon. Sa una nilang taon nagtatag sila ng paunang antas na Kinder at Grade 1. Ang unang punong guro na nanungkulan dito ay si Sir Angeles Gabutina Ar. Matapos ng dalawang buwan ay pinaltan siya ni Sir Clementia Ranin.Simula sa apat na put-apat na estudyante nila at dalawang guro paunti onti itong nadadagdagan ng sumunod pang mga taon.Sinundan din ito ng pagpapatayo ng iba pang silid aralan at palaruan.
Maraming kilalang tao ang sumunod na nanungkulan dito bilang punong guro. Kabilang sina Sr. Matilde, Sr. Ma. Leonora, Miss Patrocinio San Juan at iba pa. Sa nagdaang panahon nanatiling matatag at epektibo sa paghubog ng pagkatao ang Saint Augustine School. Isang malaking karangalan na ang dating paaralang pinangarap lang nila ngayon ay nadagdagan pa ng pangalawang sangay ang Saint Augustine Senior Highschool.Ngayon ang nasimulang maliit na pamilya at nadadagdagan pa.
No comments:
Post a Comment