Sunday, January 21, 2018

Moya Madeleine B. 

OP #1 

"Ang pagsulat ay umiinog sa paksa, tema o mga tanong na nabibigyang kasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin dependa sa kanyang kaligiran, interes at pananaw"

Ayon kay Aristotle, likas na sa paguugali nating mga tao ang pagiging maalam at mapanuri sa mga bagay na nakapaligid satin. Na sa bawat tanong na tumatakbo sa ating kaisipan, ay agaran natin itong hinahanapan ng kasagutan. Dahil sa ating mga interes, pananaw, at mga bagay sa ating kapaligiran naklilikha tayo ng isang paksa. Ngunit ano nga ba ang dapat natin isa alang alang sa pagtatalakay sa ating paksang napili?.

Ang paksa ay isang pangunahing kaisipan na hahanapan mo ng makabuluhang impormasyon upang mas lalo itong maging kapakipakinabang sa ibang taong makikinabang pa sa susunod na henerasyon. Mahalagang isinasama natin sa ating pagpili ang magiging reaksyon ng posibleng bumasa ng ating akda. Dapat mapukaw natin ang pakiramdam ng mga ito. Sa ating pagsulat dapat direkta tayo sa ating mga sinsabi o hindi paligoy-ligoy sa pa ating paglalahad, Bukod hinihingi din ng ating sulatin ang pagiging teknikal natin. Lagi dapat nating isipin na ang pagsulat natin ay hindi lang nakalaan sa isang grupo ng tao kung hindi sa lahat. Kaya't gumamit tayo ng isang salitang angkop para sa lahat.

Ang inilahad sa itaas ay ilan lang sa mga dapat isa alang alang sa paggawa ng isang sulatin. Pati ang mga layunin sa pagsulat. Bilang estudyante malaking oportunidad satin ang makapag aral. Dahil mas nadadagdagan ang ating kaalaman na balang araw magiging dahilan ng pagkalutas sa mga suliranin ng ating bansa. Para sa akin ang pagsulat ay hindi lang tungkol sa pagbibigay ng impormasyon kung hindi isang bagay na tumatatak sa isip at puso ng tao na siyang magiging gabay at magmumulat sa kanila sa mabuting pagbabago.



No comments:

Post a Comment