Saturday, January 20, 2018

Camarillo

Sulatin blg. 4

Suriin mo na!

1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag-unawa?
          - Para sa akin, ang posisyong papel ay isang pagsulat kung saan ang isang manunulat ay nagbibigay ng isang opinyon sa isang isyu.

2. Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng isang posisyong papel?
          - Ito ay mahhalaga upang alam mo kung paano mo mapaninindigan ang iyong katayuan at kung paano mo ito dedepensahan.

3. Ano ang mahahalagang elemento ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?
          - Ang mahahalagang elemento ng isang posisyong papel ay ang pagbibigay ng mga ebidensya at paglalatag ng mga argumento. Dahil ito ang susi kung paano mo idedepensa ang iyong sarili.

4. Ano-ano ang nililinang na kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel?
          - Ang pagiging tapat at may paninindigan. Sa paggawa ng isang posisyong papel ay mas natututo tayong manindigan sa kung ano ang saa tingin nating tama at nararapat.

5. Mahalaga bang isaalang-alang ang babasa ng iyong posisyong papel? Bakit?
          - Opo, dahil mahalagang isaalang-alang ang mga babasa ng posisyong papel. Upang kanilang makita ang iyong opinyon hinggil sa nasabing isyu.



Isabuhay mo Na!

1. Ano ang isyung binigyang diin sa Posisyong Papel?
          - Ang isyu na binibigyang diin sa posisyong papel ay ang paggamit ng Wikang Filipino bilang Mandatory na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong curriculum.

2. Paano inilahad ang posisyon sa posisyong papel?
          - Inilahad ang posisyon sa posisyong papel sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ebidensya kung bakit dapat na gawing mandatory core course ang Wikang Filipino.

3. Paano inilatag ang mga ebidensya hinggil sa isyu? Ano-ano ang mga ito?
          - Inilatag ang mga ebidensya sa pamamagitan ng pagbibigay rason o pagsasaad ng mga nararapat na impormasyon. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
  • 1987 Konstitusyon Artikulo XIV, Seksyon 6
4. Ano ang naging kongklusyon sa posisyong papel?
          - Ang kongkusyon sa nasabing posisyong papel ay sumasang-ayon sila na matupad ang Wikang Filipino bilang Mandatory Core Course upang mas malinang pa ito.

5. Ikaw, ano ang paninindigan mo sa isyu?
          - Para sa akin, ako ay sumasang-ayon sa Wikang Filipino bilang Mandatory Core Course upang mas mapaglaanan natin ito ng pansin at mas malinang pa.




Simulan Mo Na

1. Paninindigan kong hindi ako ang naghagis ng balat ng saging dahil iyon ang totoo at wala silang ebidensya.

2. Ipaglalaban ko ang aking karapatan upang mapatunayan na malinis ang aking konsensiya.

3. Ipaglalaban ko ang aking karapatan na ako ay isang malinis na tao. Dahil kahit ano man ang mangyari ay magkaiba kami ng ugali ng aking ama.

No comments:

Post a Comment