Moya Madeleine B.
OP #6
Nung gabing iyon kami'y nagaway ng ina ko,
Mga hindi pawang nasalita ang siyang nasambit ko,
Dala ang mabigat na pakiramdam,
Sabay deretso sa kwarto para magmukmok,
Sa mga sandaling iyon,
hindi na alam ang sunod na hakbang na lilikhain ko
hanggang dalawin na lang ng antok at makatulog nako.
Sa kalagitnaan ng panaginip ko,
Nagpahiwatig sa akin mismo ang Diyos
sa pamamagitan ng bangungot natauhan ako
Natagpuang ina'y nakabulagta na lang sa sulok
Nagaagaw buhay niyang sinsambit
ang tagubilin niya sa akin,
Na alagaan ang sarili
At hangad niyang matupad ang aking mithiin.
Mga sigundo'y nagdaan
Isang kahilingan lang ang nasa isipin
Sana lahat ng iyon ay hindi totoo,
upang pagkakamali'y maitama ko
Galit na galit ako sa sarili ko,
Bat sinuklian sa puso ko
Ang wa;amh humpay na pagmamahal
Na ipinadama sakin ng ina ko,
na kung hindi dahil sa bangungot
maaring maging walang katapusan
ang pagsisisi ko,
Na sana'y sinulit ang mga pagkakataong
siya pa'y nasa piling ko.
Sa totoo lang aminado naman ako,
na hindi kayang hindi makaramdam
ng pagaaruga na mula sa ina ko,
Siya lang ang naging sandigan,
sa mapusok na mundong kinalakihan ko
At nagpatatag ng aking buong pagkatao.
Sa tindi ng emosyong nadama ko,
Luha sa mata'y patuloy na naguumangos.
Pagmulat sumambulat ang ina ko natutulog
Tumingin sa taas sabay bulong sa Panginoon,
Salamat at sa kabila ng katigan ko,
hindi niyo hinayaang mangulili ang kagaya ko,
Ina para sayo ako'y magbabago
Ipapakita na karapat dapat pahalagahan ang kagaya mo
Ang tulang ito ay nakalaan
sa mga anak na kagaya ko,
Isawalang bahala ang pagaalinlangan mo,
At yakapin ang inang naghihintay
sa pagbabalik loob mo,
Pangungulila'y pawiin mo,
Pagkakatao'y sulitin mo
Bangungot na akala'y laging takot ang dulot,
Magsisilbi pang dagok
Upang makita ang kakulangan ko.
Monday, January 22, 2018
Moya Madeleine B.
OP # 5
Siya ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing at kasalukuyang kumukuha ng Doctorate Degree sa Unibersidad ng Pilipinas. Nakapagtapos siya ng may karangalang Cum laude ng siya'y kolehiyo pa sa National University. Malaki ang ginampanan niya sa pagpapaunlad ng turismo sa bansa. Siya ang gumawa ng kasalukuyang tagline ng Pilipinas. Naging kilala din siya sa larangan ng Sining. Isa sa kanyang nilikha ay ipinanlaban ng Pilipinas sa internation competition.Marami din siyang ipinaglaban na adbokasiya isa na don ang "Rape Awareness". Bata pa lang siya noon nakatamo na rin siya ng mga karangalan. Ilan sa mga iyo ay 3rdrinner up sa Deklamasyon, 1st runner up sa Essay Writing, Best setter in Volleyball. 1st runner up in Slogan Competition, at MVP nung siya ay Senior High School. Sa kabila ng kanyang kasikatan, mas pinili niyang mamuhay ng simple at maglingkod sa tao. May pinagawa siyang Foundation upang kupkupin ang mga batang inabandona na. At sa naganap naGawad Kalinga, ginawaran siyang isa sa kilalang personalidad sa pagkakawang gawa.

OP #4
Si Possunt cur nun Ego o kung sa Ingles ay "If they can Why can't I". Isa sa tinaguriang motto ng paaralang Saint Augustine School, na hango sa linyang nagmula sa kanilang patron na si San Agustin o mas kilalang "Tata Usteng". Itinatag ang paaralang ito hindi lang para makapagturo kung di para din hubugin ang matibay na paniniwala ng mga Kristyano kay Kristo. Ang paaralang ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng De Lasalle.
Itinatag ito noong ika -14 ng Pebrero 1969 ni Francis V. Domingo na kasalukuyang pari noon. Sa una nilang taon nagtatag sila ng paunang antas na Kinder at Grade 1. Ang unang punong guro na nanungkulan dito ay si Sir Angeles Gabutina Ar. Matapos ng dalawang buwan ay pinaltan siya ni Sir Clementia Ranin.Simula sa apat na put-apat na estudyante nila at dalawang guro paunti onti itong nadadagdagan ng sumunod pang mga taon.Sinundan din ito ng pagpapatayo ng iba pang silid aralan at palaruan.
Maraming kilalang tao ang sumunod na nanungkulan dito bilang punong guro. Kabilang sina Sr. Matilde, Sr. Ma. Leonora, Miss Patrocinio San Juan at iba pa. Sa nagdaang panahon nanatiling matatag at epektibo sa paghubog ng pagkatao ang Saint Augustine School. Isang malaking karangalan na ang dating paaralang pinangarap lang nila ngayon ay nadagdagan pa ng pangalawang sangay ang Saint Augustine Senior Highschool.Ngayon ang nasimulang maliit na pamilya at nadadagdagan pa.

Sunday, January 21, 2018
Moya Madeleine B.
OP # 3 Titser Annie (Kronolohikal)
sa malauo at masukal na lugar ng Oriental Mindoro napiling gampanan ni titser Annie ang kanyang tungkulin bilang isang guro. Siaya ay dating guro sa pribadong paaralan. Ngunit mas ninanis niyang magturo sa pampublikong paaralan sa kadahilanang malaki ang sweldong kikitain niya sa pagtuturo doon, Ipinadala siya sa paaralan ng mga Mangyan na kung saan ilang metro ang layo sa syudad. Hindi biro ang tungkuling gagampanan ni titser Annie, sapagkat maraming nakaabang na piligro ang kelangan niyang suungin bago makatawid at makapagturo. Aang sityong labo na pinamumuhayan ng ,ga Mangyan ay sadyang malaya kaya mas pinahihintulutan ang mga lalaking guro na magturo kesa sa mga babae. Sa kabila ng mga posibilidad na pwedeng mangyari kay titser Annie mas pinili niyang isipin ang ikabubuti ng ibang tao, Sa susunod na talata matutunghayan ang paglalakbang ni Titser Annie patungo sa Labo Elementary School.
Liblib na kagubatan, masukal na daan, nag uumangos na ilog at madulas na yayapakan. Ilan sa mga pagsubok na pilit nilalagpasan ng Titser Annie sa kanyang tawag ng tungkulin. Dagdagan pa ng pawis galing sa mabigat na bag ng kanyang buhat-buhat. Pero para kay titser Annie lahat ng pagod ay napapawi kapag natanawan na niya ang mga bata at makita ang kanilang matatamis na ngiti. Nakaabang na rin sa kanila ang kapawa niya guro.
Nagsimula na ang klase, ibat ibang antas ng estudyante ang tuturuan ni titser Annie. Simula sa pinaka bata hanggang sa pinaka matanda ay matyaga niyang tinututukan upang masiguradong may matutunang bago. Makikita natin sa mga mata ng Mangyan kung gaano sila kasidido sa pagaaral. Para sa kanila ang pagkatuto ay isa sa pinaka magandang bagay na maireregalo na maibibigay nila sa kanilang sarili.
Pero may isang dalagang na kasalukuyang nasa Kindergarden ang pumukaw sa atensyon ng nagdodokumentado, ito ay si Dina. Ganon na lang ang pagkagulat nila ng tumayoito sa kinauupuan at mabilisang nagtungo sa pinto papauwi. Nang kanilang sundan napadpad sila sa bahay ng dalaga at nakita ang sitwasyon ng pamumuhay ni Dina. Ang kanya palang ina ay matagal ng may sakit na Eumonia. Si Dina ang bumibili ng mga gamot niya. Siya din ang tumatayo bilang ama ng tahanan. Sapagkat ang kanyang totoong ama ay pumanaw ng maaga. Dahil nga siya ang nagtatrabaho sa knila upang matustusan ang kanilang pang araw araw na pangangailangan \, ang pag-aaral ni Dina ay lubos na naapektuhan. Tatlong beses niya lang kaya makapasok sa isang linggo.
Ang pangunahing kinabubuhay nila Dina ay ang pagbebenta ng saging. Dahil alam ng kapitbahay nila ang tunay na sitwasyon nila, sinisigurado nilang marami ang parte ng maaangkat nito.Maglalakbay ng higit dalawang oras habang nakapasan sa kanyang ulo at likod ang kanya kinakarga. Bago siya tuluyang makabenta, Sobrang hirap muna ang kanyang mapagdadaanan. Buong akala nila na malaki ang kikitain ni Dina sa produkto nito. Subalit nakakalungkot malaman na sa araw araw na bigat na kanyang pinapasan ay kakarampot na kita lang na sapat lang sa pambili ng gamot ang kanyang maiuuwi.
Sa kabila ng lahat, makikita natin ang mga ngiti buhat sa pagsasakripisyo ng Mangyan. Kahit may mga sandaling nahantong sila sa kakapusan pinipilit parin nilang magbigayan. Sa buhay natin puro tayo hinaing, hindi natin subok akalaing may iba pa palang taong nakaksapit ng dilim pero pilit parin silang ngumingiti. Eto din ang nasaksihan ni titser Annie. Ngayong matatapos na ang nakatakda niyang serbisyo sa pagtuturo niya sa Sityong Labo, pero walang agam niyang sinabi na mananatili na lang siya ng minsa'y matanong ang susunod na pasya niya,

Danielle Reque
OP #7
“editoryal”
Ang editoryal nan as itaas ay nagpapatungkol sa pagtaas ng paasahe sa mga puv. Bagamat hindi pa naman napapatupad ang pagtaas ng petrolyo ay may mga PUV drivers na ang nagpapataas ng pasahe. Kaya sa editoryal kung makikita o susuriin nayin ay sa pagtaas ng petrolyo maraming mamayanan ang naapektuhan, hinggil sa isyung ito ako ay hindi sang-ayon sa pagpapataas ng produktong petrolyo dahil marami satin ang mga nagkokomyut at karamihan sakanila ay minimum wage lang ang sinasahod, sa mahal ng bilihin at pagtaas ng petrolyo at maraming nahihiraoan,marami at malaki ang adjustment na magaganap kung nangyari o napatupad ang batas na ito.
Danielle Reque
OP#6
“MAMA”
Ina tatlong letra isang salita,
Madalas mang nahihirapang ngunit kayang
Tiisin ang lahat para sa kanyang minamahal,
Minamahal na hatid sakanya’y ligaya
At walang katapusang pagmamahal.
Pero paano ng aba, paano ng aba natin
Maipaparamdam na mahal natin siya.
Sa pamamagitan ng pagsusumikap,
Pagsusumikap na maabot ang pangarap
Pangarap na makapagtapos ng pagaaral at
Magkarron ng magandang buhay.
Na isa ring pangarap ng ina para sakanyang anak.
Kaya ina konting tiis nalang, ako na
Ako na ang papalit sayo
Pangako ko lahat ng sakripisyo
At paghihirap ay magiging sulit
Hintay ka lang ma, malapit na.
Limang buwan pa,
Limang buwan nalang ang hihintayin
Upang ika’y muling makapiling
Bawat minuto’y susulitin at pupunan ng masasayang alaala.
Walang sasayanging minuto’t oras sa iyong piling.
Kaya ina, maraming salamat
Salamat sa napakaraming bagay
Sa sakripisyo pagaalaga at pagmamahal
Pangako ko sayoy di mapapako
Danielle Reque
OP #5
“BIONOTE”
Si Danielle Colette Rodriguez Reque ay ipinanganak noong ika-23 ng mayo 2000 sa pasay city. Siya ay labing pitong gulang kasalukuyan siyang nakatira sa 068 florentino st. Julugan II Tanza, Cavite. Nasa sekondaryan lebel na siya kung saan malapit na siyang makapagtapos ng pagaaral. Accountancy business at management ang kanyang tinatahak ngayong grade 12. Ngayong grade 12 noong 1st sem ay nakatanggap siya ng award. Ang kanyang kinahihiligang asignatura ay math.
Si Danielle rin ay ahihilig sa pagluluto ng iba’t ibang putahe para sa kanyang pamilya. Kapag may libre siyang oras at ginugugol niya ito sa panunuod ng American series at sa pagkanta kahit na hindi kagandahan ang kanyang boses. Ang kanyang pangarap na propesyon ay maging isang chef balang araw.
Danielle Reque
OP #4
“SAINT AUGUSTINE SCHOOL”
Ang paaralang “Saint Augustine” ay nabuo noong pebrero 14,1969 ni Mosignor Francisco V Domingo ang kuro paroko ng bayan, ang paaralan ay sinunod sa pangalan ng kanilang santo na si saan agustine o mas kilala bilang si tata usteng. Pormal na nagsimula ng taon ang sas noong hunyo taong 1969 at tumanggap ng kinder at grade one na klase. Ang education system ay pinamunuan ng dela sale. Ito ay isang pribado at katolikong paraalan. Nagsimula ang sass a 44 na estudyante at dalawang guro hanggang sad umami ng dumami ang populasyon ng eskwelahan sa mga nadagdag na taon.
Noong 1971 nagsimulang gawan ng building ang kabilang bahagi ng simbahan para sa highschool department at natpos ito noong 1972 at sinundan anman ng pagtayo ng basketball court. Maraming namuno sa sas noong umalis si Sr. Matitde ang nagging sunod na principal siya ay naninilbihan ng dalawanng taom. Na sinundan ni Ms, Patrocino san juan. Taong 1975 nagritiro na rin si Mosignor. At pagtapos ng ialang tain ay pinalitan ni Sr. Teresita Octavia at huli na si Rev. Fr, teodor
Danielle Reque
OP #3
“Titser Annie”
Si titser Annie ay isang guro sa Labo elementary school sa Mindoro. Ang sityo labo ay isang liblib na sityo sa taas ng bundok kung saan mga katutubong mangyan ang mga naninirahan dito. Si titser Annie ay dalawang taon na nagtuturo sa paaralan na ito, nilalakad niya ang bundok at tumatawid ng ng 16 na ilog upang marating ang sityo labo at magturo doon, siya ay isang titser sa isang pribadong paaralan ng 14 na taon bago maassign na magturo sa mga mangyan. Sa umaga estudyanteng nasa ikatlong baytang kasama ang kinder, at pagsapit ng gabi ay ang mga matatandang mangyan naman. An mga mangyan ay takot sa mga dayuhan sa klase ni titser annie ay may pinakamatanda siyang estudaynte na nsa kinder palang. Siya si Dina, sa gulang na bente anyos ay siya ay kinder pa lamang. Kaya siya nahuling magaral ay sa kadahilanang hindi siya pinayagan ng kanilang magulang. Ngunit sa kabila ng pagkakataong ito ay may hadlang parin upang magaral siya nf mabuti. Dahil ito sa kaniyang ina na may sakit. Sa loob g limang araw na pasok sa isang lingo ay tatlong besses lamang siya napasok sa paaralan.
Ang pangunahing hanp buhay ng mga mangyan ay ang pagsasaging. Si Dina ay naglakad pababa sa bundok tumawid ng 16 na ilog para ibenta ang mga sagibg na kanyang inani. Sa haba at bigat ng kanyang nilakad ay 144 pesos lang ang kanyang kinita na kulang pa sa gamot ntg kanyang ian. At dito napatunayan ni titser Annie na mahirap man siya sa salapi ay mayaman naman siya sa malasakit.
Danielle Reque
OP #2
“Opinyon ng mga mag-aaral sa sekondaryang lebel hinggil sa paggamit ng make-up sa St. Jude College”
Tinutukan ng papel na ito ang bawat opinion ng mga mag-aaral sa sekondaryang lebel ang paggamit ng make-up sa loob ng paaralan. Sami’t saring sagot ang natanggap ng ga mananaliksik hingiil sa usaping ito. Ang paglalagay ng kolorete o make-up sa ating mukha ay may kanya-kanyang tungkulin o gamit lalong lalo na sa mga kababaihan. Sa mga guro sila ay nagsusuot ng pulang lipstick upang mabasa ng mga nas alikod ang kanilang buka ng bibig, sa mga artista sila ay nagsusuot nito upang maging presentable sa harap ng kamera at sa mga kausap nila. Sa mga ordinaryong tao sila ay nagsusuot nito upang tumaas ang kanilang kumpiyansa sakanilang mga sarili at iba pang dahilan hinggil sa usaping ito. Ngumit sa makabagong henerasyo ngayon maraming kabataan ang nahilig sa mga produktong ito, may mga kabatan kang makikitang nasa elementaryang lebel pa lamang ay naglalagay na ng make-up na hindi naman dapat o hindi naangkop sa kanilang edad. Base sa mga resultang nakuha ng mag mananaliksi may mas maraming pursyento ng estdyante ang sumang-ayon sa paggamit ng makeup sa loon ng paaralan.
Danielle Reque
OP #1
“Ang pagsulat ay uminog sa mga pasa,tema o mga tanong na bibigyang-kasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kaniyang kaligiran,interes at pananaw.”
Paano ng aba nakakagawa ang isang mag-aarl ng isang pagsusulat na wasto at angl=kop sa lamiyang topic? ag pagsusulat ng wasto ay umiikot sa mga paksa o tema na iaangkop ng may akda base sakanyang interes, pannaw at kapalgiran. Ang isang magaaral ay nahihikayat o namomotivate sap ag gawa ng isang sulatin kung ito ay kanyang pasyon o hilig, kung siya ba’y interesado sa isang particular na bagay na gusto niyang bigyan diin at sagot. Ihambing natin ito sa pagpili ng “thesis title” dapat kung nasaan ang interes mo ay yun dapat ang piliin mong topic dahil una hindi kana mahihirapan dahl may interes ka sa bagay na iyon, gusto mong makahanap ng kasagutan sa mga tanong sa iyong isipan. Ang paksa, tema o mga tanong na bibigyang-kasagutan ng mga estudyante ay isa sa mga tulong upang makagawa ng isang wastong pagsulat.
Sa pagsulat mahalagang malaman ng may-akda akung ano ba talaga ang kanyang interes upang Makita niya o maisip niya ang kanyang panna o paniniwala sa bagay na iyon para akabuo siya ng isang makabuluhang sulatin o sanysay. Dapat kinokonsidera din ng may-akda ang mga taong nasa paligid niya, ano baa ng maaring makinabang sa sulatin na iyong ginagawa. Gayon din sa paksa at tema ng isang sulatin ito ay mahalaga dahil dito iikot ang iyong buong sulatin, dito mo makukuha lahat ng ideya mo upang magkaroon ka ng interes sa bagay na iyon. At dapat ang mga paksa ay malinaw at may iisang layunin, sila ay nagkakaisa at may ipinahihiwatig na isang layunin lamang.
Marilou Salugsugan: Sulatin Blg.4
1. Para sa akin, ang kahulugan ng posisyong papel, ito ay pagbibigay ng mga opinyon na tunutukoy sa isang paksa para maunawaan batay sa isyung paksa. Sa posisyong papel dito rin matitimbang kung ano ang opinyon sa katotohanan lamang
2. Mahalaga ang paglalatag ng mga arumento sa pagsulat ng posisyong papel dahil napapatibay nito ang kani-kaniyang opinyong upang maipabatid ang katotohanan na syang maghubudyat kung paano ito paninindigan at ipaglalaban
3. Paksa, argumento, thesis
4. Inililinang nito ang mga isyung may katotohanan, upang mabatid ang mga impormasyon na maaaring makatulong sa ibang mambabasa. Ito din ang dahilan upang lubos nating maunawaan kung ano ba ang mayroon sa isyung ipinag-uusapan
5. Opo. Mahalagang isaalang-alang ang babasa ng posisyong papel upang maunawaan ang kanilang pag-iisip kung sila man ay nalilito sa usaling itinatalakay. At upang magkaroon sila ng mga impormasyon na maaari din nilang magamit sa pag-aaral kung ang babasa man ay isang mag-aaral at lalo na upang matimbang niya ang opinyon sa katotohanan
1.Ang isyung binibigyang diin sa papel ay ang mga patungkol sa batas na katulad na lamang ng korupsyon, ang akademiya, polotika at iba pang mga larangan
2. Inilalahad ang opinyon sa posisyong papel batay sa sulating iginawa na nag lalahad ng mga pang-unawa ayon sa paksang alam na mayroong paninindigan. Sa proseso ng paglalahad nabubuo ang ideya sa pamamagitan ng pagtitimbang ng sariling opinyon
3. Mandatory care course, 1987 konstitusyon Artikulo XIV, Seksyon 6
4. Ang naging kongklusyon ko sa posisyong papel kung paano ito gawin ay dapat ay naaayon sa iyong sariling karanasan upang ito ay maging makatotohanan sa mga mambabasa na mayroong paninindigan at pag-unawa na nakadetalye ang mga impormasyon
5. Para sa akin, ang isyung mayroon akong paninindigan ay patungkol sa same sex marriage na hondi naman tama hindi lamang sa paningin ng mga ikararami kundi sa paningin din ng dyos. Naninindigan ako na ako ay tama na mali ang mag ng kaparehong kasarian
Marilou Salugsugan: Sulatin Blg. 3
Talumpati
1. Ang kahulugan ng talumpati ayon sa aking ipinanood sa unahan, para sa aki ito ay paglalahad ng mga detalye ayon sa iyong sariling pamagat na kailangang bigkasin sa maraming tao ngunit hindi mo ito ibinasa kundi sinaulo mo ang mga impormasyon na maaari mong ipakita sa mga tagapakinig
2. Sa pagsulat ng isanf talumpati ito ay may mahalagang salik na dapat bigyang diin katulad na lamang ng pagtaas mo ng boses kung may ilalahad ka na importanteng salita. Kailangan din ay mabigyang diin ang importanteng impormasyon sa mga tagapakinig at tagapanood upang sila ay mas lalong makaramdam ng kawilihan at hindi sila mawalan ng gana at matapos nila ito simula umpisa hanggang wakas
3. Mahalagang isaalang-alang ang mga tagapakinig sa pag tatalumpati dahil sila ay isa sa mga itinatawag na judge na kung ang talumpati ba iyon ay maganda at naaayon sa pamagat na ibinigay at kung ang tagapakinig ba ay nakaramdam din ng emosyon katulad ng taong nagpapakita ng talumpati sa unahan
4. Sa ipinakitang video uti ay isinaulong talumpati na isa sa mga uri ng talunpari sapagkat para sa akin ay isinulat muna iyon at ipapakita na ng mananalumpati sa harap ng mga tagapakinig at sa mga tagapanood
5.masisiguro ng isang mananalumpati na napupukaw nya ang damdamin ng kanyang mga tagapakinig ayon sa mga ekspresyon ng mga mukha nito at kung ito ba ay hindi inaantok at kawiliwili para sa kanila
Spoken Poetry
1. Ang kahulugan ng Spoke Poetry sa akin, ito ay paglalahad ng impormasyon na naaayon sa emosyon ng mananalumpati ngunit kadalasan sa emosyon ay pang broken hearted
2. Sa pagsulat bg isang Spoken Poetry, ayon sa aking napanood karamihan ay magkatunog ang bawat dulo ng mga ibibigkas na salita na bibitawan at dapat bigyang diin ang mga salita na bibigkasin na naaayon sa iyong tono katulad na lamang ng mataas, mababa o ang katamtaman
3. Para sa akin ito ay isinaulong Spoken Poetry sapagkat isinulat muna ang mga mahahalagang impormasyon sa na nararamdaman mo ay mas nakakapukaw para sa mga tagapakinig
4. Mahalagang isaalang-alang ang mga tagapakinig para sa Spoken Poetry sapagkat sila ang kikritik kung tama ba ang iyong mga isinasabi at sila din ang magsasbi kung maganda ba ang ipinakitang Spoken Poetry
5.Masisiguro ng isang nag Spoken Poetry na napupukaw niya ang damdami ng kanyang mga tagapakinig at tagapanood kung ang mga ito ay nakaramdam ng kawilihan na mababasa mo agad sa kanilang mga mukha.
Marilou Salugsugan: Sulatin blg.2
Pangalan: Marilou Salugsugan
Kapanganakan: Marso 1, 2000 Edad: 17 Kasarian: Babae
Magulang;
Ina: Mila Salugsugan
Ama: Florencio Salugsugan
Tirahan: Julugan VIII, Tanza, Cavite
Antas ng edukasyon sa kasalukuyan (Grado at Paaralan): Grade 12- Saint Augustine Senior High School- Tanza, Cavite
Mga asignaturang kinawiwilihan: Mathematics
Mga kinahihiligang kasanayan: Magsulat
Pinapangarap na Propesyon: CPA- Certifide Public Accountant
Moya Madeleine B.
OP #2 Deskriptibo Abstrak
Ampalaya Cookie
Nilalayun ng pananaliksik na ito ang makapagbigay ng dagdag kaalaman kung paano maisasama ng mga magulang ang sangkap na ampalaya sa pagkaing kanilang lulutuin para sa kanilang mga anak.
Nabanggit sa pananaliksik na ito ang mga benepisyong maibibigay ng ampalaya sa ating katawan sa paggamit nito malulutas ang mga pangunahing sakit ng tao katulad ng diyabetis, Bukod pa don nagtataglay din ito ng mga bitaminang makakatulong sa pang araw araw nating buhay.
Nilalaman ng pananaliksik na ito ang proseso sa paggawa ng Ampalaya Cookie, na magiging solusyon ng magulang upang makapagpakain sila ng isang pagkaing hindi lang masustansya kung di masarap din.
Nailalahad dito kung bakit napili nilang gamitin ang Cookie. Ito daw marahil ang hilig ng mga bata ngayon. Ang panlasa ng mga bata at kahiligan nila sa matamis ay naging daan upang makatuklas sila ng isang pagkaing naisasama ang layunin nila. Ayon sa kanila, kapag gumamit sila ng matamis na sangkap, maitatago na nila ang mapait na lasa ng Ampalaya.
Sa kabuuang proseso, masasabing ang paggawa ng Ampalaya Cookie ay abot kaya at madaling gawin, Dahil ang mga pangunahing sangkap sa paggawa nito ay ang pangkaraniwang ginagamit sa pang araw- araw na luto. At pang huli ang paggawa ng Ampalaya Cookie ay hindi nangangailangan ng sobrang kaalaman sa pagluluto.

"Ang pagsulat ay umiinog sa paksa, tema o mga tanong na nabibigyang kasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin dependa sa kanyang kaligiran, interes at pananaw"
Ayon kay Aristotle, likas na sa paguugali nating mga tao ang pagiging maalam at mapanuri sa mga bagay na nakapaligid satin. Na sa bawat tanong na tumatakbo sa ating kaisipan, ay agaran natin itong hinahanapan ng kasagutan. Dahil sa ating mga interes, pananaw, at mga bagay sa ating kapaligiran naklilikha tayo ng isang paksa. Ngunit ano nga ba ang dapat natin isa alang alang sa pagtatalakay sa ating paksang napili?.
Ang paksa ay isang pangunahing kaisipan na hahanapan mo ng makabuluhang impormasyon upang mas lalo itong maging kapakipakinabang sa ibang taong makikinabang pa sa susunod na henerasyon. Mahalagang isinasama natin sa ating pagpili ang magiging reaksyon ng posibleng bumasa ng ating akda. Dapat mapukaw natin ang pakiramdam ng mga ito. Sa ating pagsulat dapat direkta tayo sa ating mga sinsabi o hindi paligoy-ligoy sa pa ating paglalahad, Bukod hinihingi din ng ating sulatin ang pagiging teknikal natin. Lagi dapat nating isipin na ang pagsulat natin ay hindi lang nakalaan sa isang grupo ng tao kung hindi sa lahat. Kaya't gumamit tayo ng isang salitang angkop para sa lahat.
Ang inilahad sa itaas ay ilan lang sa mga dapat isa alang alang sa paggawa ng isang sulatin. Pati ang mga layunin sa pagsulat. Bilang estudyante malaking oportunidad satin ang makapag aral. Dahil mas nadadagdagan ang ating kaalaman na balang araw magiging dahilan ng pagkalutas sa mga suliranin ng ating bansa. Para sa akin ang pagsulat ay hindi lang tungkol sa pagbibigay ng impormasyon kung hindi isang bagay na tumatatak sa isip at puso ng tao na siyang magiging gabay at magmumulat sa kanila sa mabuting pagbabago.

Marilou Salugsugan: OP#5
Binote
Ipinanganak noong Marso 1, 2000 at may edad na 17. Siya ay anak ni Mila Salugsugan at Florencio Salugsugan. Siya ay ipinanganak sa Julugan 8 sa bayan ng Tanza, Cavite. Siya ay ika-lima sa anim na magkakapatid na may roon din siyang kambal. Siya ay nag-aaral sa Paaralang San Agustin Sinyor High at aktibo rin siyang makilahok sa mga aktibidad na ginagawa sa paaralan.

Marilou Salugsugan: OP#3
(Sekwensiyal) Sintesis OP3
Iwitness: Teacher Annie
Una, hindi nya pinangarap ang mamuhay ng magirap dahil sino mang tao ay hindi gugustuhing mamuhay ng isang kahig isang tuka at mamuhay ng walang wala. Nakatago sa isang liblib na kagubatana ang isang silid aralan ngunit bago ito marating ay kailangan pa itong lakarin ng isang guro na si Titser Annie. Ilang taon na itong nagtuturo sa isang pribadong eskwelahan. Makalipas ang ilang oras na paglalakad ay ilog na naman ang susuungin upang marating ang komunidad ngunit ang anim na ilog na ito ay malalalim kaya naman dagdag pasakit din ito para sa kanya
Pangalawa, nang marating ang komunidad sa tulong ng kalbaryo ay napawi lahat ang sakit na dinanas ni Titser Annie. Sa maliit klasrum na pinapasukan nya ay mararamdaman ang init na ng gagaling sa sikat ng araw dagdag pa nito ang walang tubig kung ikaw ay hindi mag-iigib gaano man kasalat ang lugar ngunit makikita dito na marunong mag bigay ang mga bata at marunong din itong tumanaw ng utang na loob at mag malasakit sa ibang mga batang mangyan. Sa bawat araw na nag daan, hindi ito madaling turuan ang mga mangyan.
Sa huli, bago matapos ang araw ay gumawa o nag tuturo si Titser Annie kasama ang kanyang kaibigan na nag tuturo din. Hindi lamang sila nag tuturo para sa mga bata, kundi para din sa mga batang mangyan na gustong gusto kung paano mag basa at sumulat. Libre man ito para sa kanila ngaunit para sa mga gurong katulad ni Titser Annie ay wala itong dagdag sa kanyang suweldo ngunit para sa kanya bilang isang guro, matuto lamang itong bumasa at sumulat ay isang napakahalagang bagay na ito na kailan man ay hindi makakalimutan ng iba.

Marilou Salugsugan: OP#4
"Kasaysayan ng Paaralan ng San Agustin"
Ang San Agustin ng Tanza, Cavite ay ipinangalan pagkatapos ng 'Tata Osteng' noong February 14, 1969 ayon kay Monsignor Francisco V. Domingo. Isa sa mga namuno nito ay si Sr.Ranin ngunit lumisan din ito. Kasunod nito ang namuno naman bulang principal noong 1971 ay si Sr.Matilde, namuno ito sa loob ng dalawang taon habang si Ms. Ma. Leona naman ay naging principal ng Elementarya noong 1972 hanggang 1973. Sa kasalukuyan ang San Agustin na logo ay dinisenyo ni Norgin Molina isa sa mga estudyante noong 1958 kasama ang kanyang guro na si Mr. Justo R. Cabuhat Jr. Ang salita na nasa gilid ng logo ay salitang latin na ang ibigsabihin ay 'Si Possunt cur non Ego' na sa english ay 'If they can, why can't I' ito ay isa sa mga kilalang panipi ng eskwelahan. Ito ay sumisimbolo din para sa kahusayan, kasiyahan at katuparan sa dyos. Ang paaralan ng San Agustin ay mas kilalang paaralang paglalathala 'The Crosier' at 'Ang buko' bilang pag mungkahi na kandidato sa CMMA o Catholic Mass Media Awards. Sa kasalukuyang panahon hindi lamang pang Elementarya at High School ngunit mayroon na rin itong pang Senior High School na itinatag ngayon lamang taong 2016 na pinamunuan ng principal ng Paaralan na si Ms. Mercedita Pacumio.

Marilou Salugsugan: Editoryal Cartoon
EDITORYAL CARTOON
Masyadong maaga ang pagpataw ng dagdag pamasahe para sa mga pasahero gayung hindi pa naman nararamdamab ang TRAIN sa petroleum products. Ayon sa CTFRB, hindi nila hahayaanf makapagsamantala ang mga PUV na pumaparada sa kalsada. Dapat namang ipaalala ng LTFRB sa mga pumapasaherong PUVs na hindi basta-basta nagtataas ng pamasahe para sa mga pasahero dahil may sinusundan na batas ukol dito. Hindi makatarungan kung ito ay hibdi papansinin dahil ang publiko na nagbabayad ng mahal na pamasahe kahit wala namang legal na utos. Ukol dito maraming mga tao ang umaalma sa isyung ito. Hindi pa nararamdaman ang impact ng tax reform for acceleration and inclusion o mas tinatawag na TRAIN sa petroleum products pero etong nga ganid nang driver at operator ng public utility vehicles o mas kilala sa tawag na PUVs na pumaparada at pumoporma nang magtaas ng pamasahe. Sabi ng land transportation franchising and regulatory board o LTFRB na mananagot ang sinumang nagtaas bg pamasahe sapagkat hindi pa sila nakakatanggap ng hike petition. Kailangan may petition ang mga ito.

Journal #2
Journal #2
Pamagat ng Paksa:"Internship : Kwentong Loob ng Tagalabas"
Mananaliksik: Graziel Ann Ruth Latiza
Institusyon: Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo sa Arte at Literatura, Diliman Lungsod Quezon
Mahalagang impormasyon ng pagaaral
Ang kaapihan, katiwalian at korupsiya ay nangyayari din sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon. Ang mga doktor ay hindi kayang makipagkapwa-tao sa mga pasyente at katrabaho nito. Mas inuuna na ng mga doktor ang mga bagay na makapagpapayaman sa kanila kesa sa mga hinaing. nararamdaman at dinudulog sa kanila ng mga tao. Bilang doktor layunin nila ang manggamot at isipin ang ikabubuti ng mga tao. Ngunit sa paksang ito lumalabas na ang mas inuuna ng doktor ang pansarili nitong ikabubuti. Napakita din sa pag-aaral nito ang walang etikal na pakikitungo ng mga doktor ay patuloy na nararanasan ng karaniwang taong pupunta at magpapasuri sa ospital.
Kahalagahan ng pag-aaral
Malalaman natin ang kasalukuyang problema ng mga pasyente pagdating sa serbisyo ng mga doktor. Bukod doon malalaman din natin kung meron pa bang mga ospital na maganda ang intensyon sa tao. Kung mas pinapahalagahan pa ba nila ang kanilang sinumpaang trabaho o magpapadala na lang sila sa negatibong oportunidad na nakahain sa kanila.
1. -Ang nasa libro ay tungkol sa hindi etikal na pakikisalamuha ng mga doktor sa kanilang pasyente pati na rin sa katrabaho.
-Epekto ng pagiging batang ina sa aspetong emosyonal, spiritwal, mental,pinansyal,relasyunal, sosyal gamit ang prsonal na karanasan nito
2. Tema, ang isa ay sitwasyong ng mga taong may pinag aralan, at ang isa nmn ay kwentong tungkol sa pagiging batang ina kaya't nawalan ng oportunidad makapagaral. Ngunit ganon pa man, masasabi nating wala sa antas ng edukasyon o natapos ang makakapagdikta sa etikal ng isang tao.\
-deskriptibong abstrak, naglalaman ng paksa,layunin at kalikasan
-impormatibo abstrak, kabilang na ang metodohiyang ginamit at may resulta na
3.Para sa akin Ang Internship ng Doktor kasi hinimay himay nila maigi ang mga impormasyon pati narin mas maiintindihan natin dahil galing sa personal na karanasan kaya malalim ang pinanghuhugutan.

Sulatin # 3 Talumpati
1. Para sa akin ang talumpati ay isang paraan upang mamulat ang tao sa paniniwalang ipinaglalaban nila. Base sa aking nakita, ang taong nagtatalumpati ay may matapang na pagbigkas at gumagamit ng pagkumpas o paggalaw ng kamay. Bukod pa doon, nakalapat ng komportable ang kanilang tindig, may kumpyansa sa sinasabi at masasabing karaniwang ginagamit nila ito upang magmukha silang kapanipaniwala at sigurado.
2. Transisyon ng boses, tamang galaw ng kamay, bigkas ng bibig, at kahusayan nila sa pag delibera ng sinsabi.
3. Dahil mawawalan ng saysay ang talumpati. Nagtatalumpati ang isang tao sa kadahilanang gusto nila magbigay ng impormasyon at manghikayat ng tao. Nilalayon nito na mapaintindi sa tao ang paksang tinatalakay nila.
4. Isinaulong Talumpati
5. Sa galaw at itsura nito. Makikita niya ang tagapakinig na parang magaslaw na kapag bagot na siyang pakinggan ang talumpati.
Spoken Poetry
1. Puno ng ekspresyon ang Spoken Poetry. Kalimitang gingamit ang personal na karanasan kaya mas nakakaapekto sila sa tao. Sa Spoken Poetry parang nagkwekwento lang pero bawat linya nakapagbibigay ng aral. Atsaka mismong tao ang nadadala dahil posibleng naging karanasan din nila ito. At paiba iba din ng boses. Atsaka gumagamit ng musika bilang pag-alalay o suporta upang maging dramatiko.
2. Dapat siguraduhing maiintindihan ng tao ang mga salitang sinsabi. Atsaka mas maganda kung tipikal na karansan ang babanggitin upang madaling maintindihan o masundan.
3. Dahil mahahalata na agad kung paano mo dadalhin ang susunod na sasabihin.
4. Hindi ko po alam
5. Kapag nagsusumamo ang kanyang mata o kaya nama'y nagniningning.

Suriin mo na!
1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag-unawa?
- Para sa akin, ang posisyong papel ay isang sulatin na kelangan mong panindigan sa isang pinaniniwalaan mo. At kelangan ng maraming ebidensya upang maging suporta hanggang dulo at makapanghikayat ng maraming tao. Isang ideya na batay sa pansarili mong pananaw.
2. Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng isang posisyong papel?
- Upang mas epektibo mo mapakita sa tao ang dapat nilang panindigan, at masipat nila ang kalakasan ng argumento mo.
3. Ano ang mahahalagang elemento ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?
- Para sakin dapat detalyado para lahat ng maaring tanong na mamuo sa isip ng tao ay agad maharangan ng sagot na galing sa mismong nilalaman ng posisyong papel.
4. Ano-ano ang nililinang na kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel?
- Ang mapagobserba at maagap. Sa bawat kahinaan na nakikita mo dapat gad mo itong nilulutas ng sa ganon maging matagumpay ang kinahinatnan ng posisyong papel mo.
5. Mahalaga bang isaalang-alang ang babasa ng iyong posisyong papel? Bakit?
- Opo, dahil dahil isa sa layunin ng posisyong papel mo ay makapamulat ng taong hindi pa sigurado sa mga pinaniniwalaan nito.
Isabuhay mo Na!
1. Ano ang isyung binigyang diin sa Posisyong Papel?
- Patungkol sa paggamit ng wikang Filipino nilang wikang panturo sa Kolehiyo at pagsama nito bilang isa pang asignatura sa mga Unibersidad.
2. Paano inilahad ang posisyon sa posisyong papel?
- Pinakita nito na ang paghahangad nilang mas mapabuti ang kalagayan ng mga estudyante at mabilis nilang maunawaan ang bawat leksyon na itinuturo sa kanila.
3. Paano inilatag ang mga ebidensya hinggil sa isyu? Ano-ano ang mga ito?
- Inilatag ito gamit ang dekalidad o makapagkakatiwaang ebidensya. Ito ay ang Saligang Batas.
- 1987 Konstitusyon Artikulo XIV, Seksyon 6
4. Ano ang naging kongklusyon sa posisyong papel?
- Napagtanto nila na may kasiguraduhan na pag-unlad ng bansa kapat nagkakaisa tayo at pinaiigting natin ang kaalaman sa sarili nating wika
5. Ikaw, ano ang paninindigan mo sa isyu?
- Para sa akin dapat paigtingin ang ating wika , dahil eto ang nagbubukas ng ating nasyonalismo at kasunod na paghangad sa pagpapaunlad ng sariling atin, Naniniwala din naman akong mabuti ring mapag aralan natin ang ibang dayalekto para kahit saan man tayo dalhin madali tayong makikibagay.
Simulan Mo Na
1. Unang una itatanong ko sa mga saksi kung nakita ba nila ako nakain ng saging sa anong oras at lugar ako nakita, para sa pagkakataong iyon makahanap ako ng ibang tao na nakasama ko noong panahon na yon na pwedeng magpatunay na wala akong ginawang masama. At sasabihin ko na sa halip na mangdulas ako mas gagawa na lng ako ng may kapararakang bagay.
2. Kung ang pagnanakaw ang intensyon ko sana hindi mo binalik. Maaring galit ako sayo pero hindi ko galit sa taong nagsikap para ibigay sayo yang pera na yan. At hindi kaya ng kunsensya kong may taong nahihirapan dahil sa galit na nararamdaman ko.
3.Hindi pwedeng ihalintulad ang isang tao sa iba. Maaring ama ko siya, pero hindi kami parehas na parehas ng mundong kinamulatan. At alam ko ang magiging kapalit ng katiwaliang gagawin ko, Hindi ako papasok sa sitwasyong sa huli ako dehado.

Sulatin #1
Bakit kelangan malaman ang kalikasan,layunin, at paraan ng pagsulat ng ibat ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag aaral sa ibat ibang larang akademiko.
Sa kahit anong aspeto ng pagsulat may isang layunin na dapat pinagkakasunduan at pinapahalagahan. Ito ay ang pumukaw ng damdamin galing sa taong babasa o makikinig sa kanilang sulating nilikha. Dahil ang kakaibang epektong na kanilang mararamdaman ay humantong sa pagtangkilik sa susunod pang lilikhain o pagrekominda sa taong hindi pa nakababasa nito. Ngunit bago tayo dumako sa pagsulat kailangan alamin kung para saan ba ang ating pagsulat. Kung pagsasalaysalay ba na ang hinihingi ay pagkwekwento, paglalarawan na kinakailangan ang detalyadong paglalahad ng naoobserba sa paligid, o di kaya pangangatwiran na kumakailangan ng matitibay na ebidensya upang mapagtibay ang paninindigan ng isang manunulat.
Sa mga nabanggit, masasabi natin na sa ating pagsulat inaalam natin kung ano ba talaga ang layunin, kalikasan, at paraan upang makapag bigay tayo ng mabisang sulatin.Dahil sa lahat ng ating pagsulat, marapat natin itong bigyang saysay. Lahat ng sulatin ay may nilalayon. Mas mapapadali tayo kung alam na agad natin kung paanong atake ang ating gagawin upang agad makakuha ng atensyon sa marami.
Madali din natin mahuhuli ang mambabasa dahil lubos na agad nating mahuhulaan kung ano ba talaga ang kanilang ayaw at gusto. Sa paggawa matutuunan na agad natin ng pansin ang parteng kinaabangan ng ating mambabasa. Sa ating mapagisip na pagtuklas sa mga bagay bagay, masisiguradong dadaloy ng matagumpay hanggang wakas.
Moya Madeleine B.
Pangalan- Madeleine B. Moya
Kapanganakan- July 17, 2000 Edad- 17 yrs. old Kasarian- Babae
Magulang:
Ina- Imelda B. Moya
Ama- Randolf C. Moya
Tirahan- #219 Purok 4 Santol, Tanza, Cavite
Antas ng Edukasyon sa Kasalukuyan- Gr.12
Saint Augustine Senior Highschool
Mga Asignaturang kinawiwilihan
Management
Marketing
Kinawiwilihamg Gawain:
Maglaro ng ibat ibang sports, manood ng telebisyon, magkumpuni ng gamit, magtahi, gumuhit at maggawa ng gawaing bahay,mag ehersisyo, mag alaga ng hayop
Mga Natatanging Kasanayan: Magsayaw, Kumanta, Umarte, Mag Volleyball, magsulat ng tula, magluto,
Mga Pinapangarap na Propesyon:
Maging tanyag na International Marketing Consecutive
Mga Nakamit:
Best in Writing
Batang Mapagkakatiwalaan
MVP
Best Setter
Mythical
5th Deklamasyon
2nd Essay Writing
2nd Cosplay
3rd Feature Writing
1st Slogan Competition
SULATIN #2

Marilou Salugsugan: OP#1
"Ang pagsulat ay umiinog sa paksa, tema o mga tanong na nabibigyang kasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin dependa sa kanyang kaligiran, interes at pananaw
Ang pagsulat ay isinasagawa sa kadalasan sa sulating papel subalit inililinang dito ang layunin upang mas madaling maunawaan kung ano ba ang nais nitong marating. Sa paglinang ng pagsulat dito ay inilalabas ang emosyon ng isang tao kung ano ba ang tunay na nararamdaman nito ay mayroon ding umiikot sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga paksa, tema o mga tanong na kung saan ay naibibigyang kasagutan ng mga mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes, pananaw subalit pede ka ring kumuha ng ideya sa pamamagitan ng mga ito. Kung ang isang mag-aaral ay lilinang ng sulatin dapat ito ay maiintindihan ng kanyang mambabasa at dapat ay isinisigurado nya na sya ay mayroong paninindigan kung bakit nya iyon iginawa. Ang pagsulat ay dapat mayroong nilalaman katulad na lamang ng paksa o tema upang mas mapadali ang pagkakaintindi ng mga mambabasa na kung saan magiging kawiliwili ito pagdating sa kanila. Ang pagsulat ay isang proseso na pakikipag komunikasyon upang maipabatid nya sa iba kung ano ang tunay nyang mararamdaman na isinasaloob hindi lamang sa isipan kundi isinasapuso din. Kung ang isang mag-aaral ay mangangalap ng iba pang impormasyon sinisiguro nya na mayroon itong pagkilala upang hindi ito makasuhan ng pangongopya o tinatawag nating "Plagiarism" sapagkat masamang gawain ito
Sa pagsulat, maaaring manghingi tayo ng ideya sa ibang tao depende kung ano ba ang kanilang naranasan o nararanasan sa kani-kaniyang buhay maaari ka rin na makipag brainstorming sa iba upang lalo pang mapaganda kung ano man ang nais mong isulat. Kung isa sa mga taong napagtanungan mo na mayroong tanong at iyo naman itong lubos na naunawaan maaari mo itong masagot sa pamamagitan ng iyong isinulat ngunit kailangan mo itong sundin at mapagaralang mabuti kung ano man ang nilalaman ng mga iyon upang ang iyong isinulat ay maging pakipakinabang ayon sa kanila.
Mas madaling maunawaan ng mga mag-aaral kung ang iyong pagsulat ay inihahayag kung ano ang gumugulo sa kanikaniyang isipan. Mas magiging epektibo ito kung sila ay mayroong naiwang kakintalan sa isipan na maaaring mag bigay na kalinawan at lalo na na magbigay ng kabuluhang pag-iisip at repleksyon na maaari din nilang magamit sa kanikaniyang buhay.
Marilou Salugsugan: Pamilya (Spoken Poetry)
Pamilya
Pamilya, kasama mo bumuo ng ala-ala
Malungkot at peding masaya
Hindi man perpekto pero nag papasalamat ako na tayo ay kumpleto
Hindi maaalis ang pagkakaroon ng probles
Sa bahay? Sa lupa? Lalo na sa pera
Pero ako'y masaya dahil tayo ay sama-sama
Nagpapasalamat ako sa aking ina na walang sawang sumusuporta, walang sawang pag-aalaga at sa walang sawang kalinga
Pitumpo't pitong taon kong nararanasan na ikaw ang aking nasasandalan, na ikaw ang aking naiiyakan
Tinutuan mo ako kung paano mag patawad at makuntento sa mga bagay na meron ako
Sa aking ama na nagsilbi kong lakas sa araw na mahina
Nagsilbi kong panyo sa mga luhang tumutulo
Nagsilbi ilaw sa mga araw na madilim
At lalong nag papasalamat ako dahil tinuruan mo ako kung paano huwag mag kimkim
Sa aking mga kapatid, hindi ko mabatid kung gaano nag uumapaw ang aking kaligayahan pag tayo ay nagtatawanan
Kahit tayo ay madalas magkatampuhan
Madalas nagkakasumbatan ngunit wala paring tatalo sa pagmamagal na walang katapusan
Masaya ako dahil sa kumpletong pamilya
Wala mang kaming pera ngunit hindi namin iyon iniinda basta kami ay sama-sama
Isa pa s parteng aking pamilya ay ang ating Panginoon
Salamat sa mga panahon na kailangan kong umahon at palagi kang naandoon
Salamat sa mga biyaya, kahit ang pamilya ko ay hindi marangya
Salamat sa aking pamilya na nagsilbing kaibigan na nagtutulungan sa likod ng masasamang karanasan
Ganoon pa man kami ay nagmamahalan
Kaya naman sisikapin kong pangarap ay maabot ng walang pangamba at takot
At pag nangyari na ito ang unang dadalhin sa karangyaan ay kayo
Sama-sana tayo na aalis sa mala impyernonf kahapon

Camarillo
OP# 7
OP# 7
Posisyong Papel
(Editorial Cartoon)
Ang editorial cartoon na ito ay tumutukoy sa napapanahong isyu na korapsyon. O ang paggamit ng pamahalaan sa mga perang nanggaling sa mga tao o nasasakupan niya, Makikita sa litrato ang maayos na itsura ng dating pangulong si Ninoy Aquino III habang tinutulungan ang isang tao na nagrerepresenta sa isang LGU o Local Government Unit, makikita na kanya itong pinagsasabihan na tulungan ang isang taong nakaligtas sa nasalanta ng bagyong Yolanda.
Kitang-kita naman sa editoryal cartoon na korapsyon ang ipinahihiwatig nito. Sa kadahilanang ang mismong presidente ay hindi matulungan ang mga taong nasalanta ng bagyo at pilit na pinatatayo ang isa sa mga taong hawak-hawak niya. Ang tanong saan niya inilagay ang pera o pondo para sa mga taong nasalanta. Paano niya matutulungan ang mga ito kung gamit niya sa pansariling kasiyahan pondo o kaban ng bayan.
Camarillo
OP# 6
OP# 6
Ang Aking Matalik na Kaibigan
Isang Spoken Poetry
Kaibigan, noong una'y nangingibabaw pagmamahalan.
Ngunit kaibigan bakit ako'y iyong iniwan at tuluyang lumisan?
Kaibigan, ako'y naghihintay upang iyong ipaliwanag dahilan ng iyong paglisan.
Ano?
Ano nga ba ang dahilan?
Ano?
Ano nga ba ang nangyari sa ating pagkakaibigan?
Ano?
Ano nga ba ang aking ginawa upang ako ay iwan mo ng tuluyan.
Maraming katangungan ang tumatakbo sa aking isipan.
Katanungang alam kong ikaw lamang ang makasasagot.
Sagot sa tanong kung bakit mo ako nilisan.
Nilisan ang lugar kung saan tayo ay masaya at walang problema.
Problemang nabuo dahil sa paglisan ng isang matalik na kaibigan.
Tama.
Tama nga sila kaibigan.
Tama.
Tama, maraming bagay ang nais nating makamtan ngunit,
Tama lamang na atin itong bitawan.
Hanggang ngayon kaibigan,
Ako'y nagbabakasakali na ang matalik kong kaibigan ay magbalik.
Magbalik upang buuin muli ang pagkakaibigang nasira.
Nasira ng isang matinding delubyo.
Delubyo ng pagkawalang tiwala sa isa't-isa.
Mahal kita kaibigan,
Mahal na mahal.
Isa lamang ang aking kahilangan.
Ang ika'y magbalik at ituloy ang nasimulan.
Camarillo
OP# 5
OP# 5
Bionote
Si Celnadine Camarillo ay nagmula sa Bayan ng Cavite. Siya ay isang kabitenyang mayroong mataas na pangarap sa buhay. Siya ay kasalukuyang nakatira sa 227 Dr. V. Solis St. Brgy. Julugan 3, Tanza, Cavite. Ang kanyang mga magulang ay sina Danilo B. Camarillo at Melanie Y. Camarillo. Siya ay mayroon ding isang nakatatandang kapatid na si Ralph Reginald Y. Camarillo. Siya ay ipinanganak noong Disyembre 14, 1999. Siya ay labing pitong taong gulang na.
Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa paaralang Saint Augustine School - Senior High School. Siya ay nasa Baitang 12 na at kasalukuyang nag-aaral ng mabuti upang matupad ang kanyang mga pangarap. Ang kanyang pinapangarap na propesyon ay maging isang Accountant. Kamakailan lamang ay nakatanggap siya ng Award dahil sa kanyang pagsisikap at ito ay ang "Bronze Award". Dahil dito ay lalo pa siyang nagsusumikap upang mabigyang karangalan ang kanyang mga magulang. Dahil sa gabay ng kanyang mga magulang ay naabot niya ang kanyang mga pangarap kahit na paunti-unti, Dahil dito naman talaga nagsisimula ang lahat.
Saturday, January 20, 2018
Camarillo
OP# 4
OP# 4
Ang Kasaysayan ng Saint Augustine School
Isang Sintesis
Ang paaralang San Agustin ay ipinangalan sa patron ng bayan na si Saint Augustine (San Agustin) o mas kilala sa tawag na Tata Usteng. Ang paaralang San Agustin ay itinatag noong Pebrero 14, 1969 ni Monsignor Francisco V. Domingo na pari sa parokya noong mga panahong iyon. Pumasok sa kanilang isipan na ang Paaralang San Agustin ang magbibigay at huhubog sa mga kabataan ng may kalidad na edukasyon. Binuksan sa publiko ang Paaralang San Agustin noong Hunyo, 1969. Kinder at Baitang 1 lamang ang unang ipinatupad ng paaralan. Ang kauna-unahang punong guro ng paaralan ay si Sr. Angeles Gabutina na nagsilbi ng dalawang buwan bago palitan ni Sr. Clemencia Ranin
Kahanga-hanga ang naging resulta ng unang taon ng paaralan. Mula 44 na mag-aaral at 2 guro dumaan ang mga taon at naging mabilis ang pag unlad ng paaralan. Dumami na ang mga guro at maging ang mga mag-aaral. Makalipas ang isang taon isang gusali sa kaliwang parte ng simbahan ang ipinatayo. At noong 1971, Ang gusali para sa Sekondarya ay ipinatayo at natapos din noong 1972. Noong umalis si Sr. Ranin bilang punong-guro ay si Sr. Matilde naman ang pumalit sa kanya taong 1971. Siya ay nagsilbi sa paaralan ng dalawang magkasunod na taon habang si Sr. Ma. Leonora naman ay nagsilbing punong-guro sa elementarya noong 1972-1973. Noong 1973-1976 si Bb. Patricinio San Juan naman ang pumalit. Noong taong 1975 naman ay nagretiro na si Monsignor Fransico V. Domingo bilang pari at direktor ng paaralan.
Noong taong 1975-76 ay nagkaroon ng bagong administrasyon ang Paaralang San Agustin. Si Fr. Luciano Paguiligan ang naging bagong direktor ng paaralan. Taong 1997 ng umalis si Bb. San Juan sa pagiging punong-guro at pinalitan naman ni Fr. Corsie Legaspi na tumagal simula 1978-79. At noong taong 1979-80 si Sr. Teresita Octavio na ang umaktong punong-guro, na sinundan ni Bb. Hernandez taong 1980-89 at si Rev. Fr Teodoro Bawalan bilang direktor ng paaralan. At ngayon ay si Bb. Mercedita Pacumio ang tumatayong punong-guro simula 1989 hanggang kasalukuyan. Mahabang taon na nga ang lumipas simula ng maitatag ang Paaralang San Agustin. Marami ng napagdaanan at sulit lahat ng mga iyon.
Camarillo
OP# 3
OP# 3
Sintesis
Teacher Annie
Si Teacher Annie Masongsong ay isang titser sa isang pribadong paaralan ngunit siya rin ay nagtuturo sa Sitio Labo sa mga mangyan. Una, si Titser Annie ay dumadaan sa bangin, bundok at mga ilog. Labing anim na ilog ang kailangan niyang tawirin upang makarating sa Sitio Labo. Habang papunta sa Sitio Labo ay naabutan niya ang ilang mgaa batang kinukuha ang mga libro sa paanan ng bundok, sapagkat ang mga libro ay isang linggo na doon at noong araw na iyon lamang bumaba ang tubig. Pangalawa, Nang makarating siya sa Sitio Labo ay agad siyang nagluto at namigay ng candy sa mga bata. Ikatlo, Sama-samang tinuturuan ni Titser Crisel ang mga bata simula Grade 1 hanggang Grade 6. At si Titser Annie naman ay mula kinder hanggang Grade 3. Isa sa tinuturuan ni Titser Annie ay si Nanay Lea, Gusto niyang matuto upang hindi siya maloko ng mga tao. At ang isa pa ay si Dina, dalawampung taong gulang mula sa kinder. Ngunit minsan ay hindi na siya nakakapasok sa paaralan dahil inaalagaan niya an kanyang Nanay Bilma na mayroong pneumonia. Matapos umuwi ay umalis si Dina at mga kasama upang magtrabaho sa sagingan sa liblib na parte ng kagubatan. Sumunod naman ay binuhat ni Dina ang mga nakuhang saging at mahigit dalawang oras ang kanyang ginugol upang marating ang kamalig. Matapos kiluhin at bilangin ang mga saging na dala ay kumita lamang siya ng 144 pesos na ipambibili niya ng gamot ng kanyang ina. Lumakad muli si Dina patungong pinakamalapit na botika. Sa isang oras niyang paglalakad ay dalawang pirasong gamot lamang ang kanyang nabili. Matapos iyon ay bumalik na siya sa kanilang Sitio. Sumunod naman ay, Bago pumunta si Titser Annie sa Sitio ay binibilihan niya ang ina ni Dina nang ilang gamot, bigas at mga de latang pagkain. Sapagkat si Dina ay tumutulong din naman sa kanila. si Titser Annie ay nilipat na sa Banso District sa Villa Pag-asa Elementary School. Pero sa huli, pinili niyang hindi na umalis sa Sitio Labo dahil siya ay masayang makatulong at napamahal na din siya sa mga mangyan.
Camarillo
OP# 2
OP# 2
"Epekto ng Maagang Pagbubuntis ng mga mag-aaral sa
Tanza National Comprehensive High School"
Abstrak:
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman at mabatid ang Epekto ng maagang pagbubuntis sa mga mag-aaral at sa kanilang buhay. Ang nasabing pananaliksik ay isang uri ng deskriptibong pananaliksik at ang mga respondente ay ang mga mag-aaral sa paaralang Tanza National Comprehensive High School, at ilang guro na mayroong kaalaman sa pagbubuntis. Ang bilang ng mga respondente ay mula 5 hanggang 10 na nasa edad 14 hanggang 17. Isa sa lumabas na sagot sa sarbey ay ang pagtigil ng mga mag-aaral sa pag-aaral sa kadahilanang sila ay nahihiya at maaaring ma-bully. At ang pangunahing dahilan ay ang pakikipagtalik sa maagang edad na hindi nabibigyang gabay ng kanyang mga magulang. Ang mga dahilang ito ang nagsisilbing ideya upang maging rebelde ang isang mag-aaral at gumawa ng mga bagay na alam nilang mali ngunit makapagpapasaya sa kanila. Ang kawalang sapat na kaalaman sa Sex Education ay isa pa rin sa mga dahilan kung bakit nabubuntis ang isang kabataan. Malaking responsibilidad ang magiging epekto at haharapin ng isang batang ina. Kahihiyan ang unang epekto at mahihirapan harapin ang hamon ng buhay.
Camarillo
OP# 1
"Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema o mga tanong na bibigyang-kasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes at pananaw."
Ang pagsulat ay hindi basta-basta lamang ginagawa. Nararapat na magkaroon tayo ng sapat na kaalaman kung paano tayo makapagsusulat ng maayos at naaayon sa tamang proseso. Mahalaga na nauunawaan natin ang mga proseso na ito bago tayo magpatuloy sa pagsulat. Ang pagsulat ay hindi naglalaman ng kung ano-ano lamang bagkus ito ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon na makatutulong sa ating mga mambabasa.
Ang pagsulat ay naglalaman ng paksa, tema at mga katanungan na kinakailangang masagot ng isang mag-aaral depende sa kanyang interes at pananaw. Ito ay umiikot sa paksa, sa kadahilanang hindi tayo makapagsusulat ng maayos kung tayo ay walang paksang sinusunod. Hindi rin natin malalaman ang ating isusulat kung wala tayong paksa. Samakatuuwid, hindi tayo maaaring magsulat ng isang Akademikong Sulatin kung tayo ay walang paksa. Pangalawa, hindi rin tayo makagagawa ng isang sulatin kung wala tayong temang sinusunod. Ang tema ay isang mahalagang parte ng sulatin na kung saan sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng buhay ang ating isinusulat. Mahalagang mayroon tayong sapat na kaalaman dito upang mas mahasa tayo sa pagsusulat ng isang Akademikong Sulatin. Ang ikatlo naman ay ang kaalaman natin kung paano bumuo ng mga katanungang masasagot ng mga mag-aaral ayon sa kanilang interes o pananaw sa buhay. Na makatutulong sa kanila upang malinang ang kanilang isipan. Ang mga nabanggit ay ang mahahalagang parte na dapat nilalaman ng isang Akademikong Sulatin.
Ang pagsulat ay kinakailangang gamitan ng mapanuri at malalim na pag-iisip at kailangang isinasaalang-alang natin ang paksa, tema at mga katanungang dapat nating ibigay sa mga mambabasa. Nararapat rin natin itong bigyang pansin dahil ito ang mahahalagang nilalaman ng isang sulatin. Nararapat din na mayroon tayong sapat na impormasyong naibigay sa kanila. Dahil ang pagsulat ay maaari din nating gawing libangan at ilabas mga saloobing hindi natin mailabas at ito rin ay isang libangan upang takasan ang realidad at bigyang saya ang ating sarili.
Camarillo
Sulatin blg. 4
Suriin mo na!
1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag-unawa?
- Para sa akin, ang posisyong papel ay isang pagsulat kung saan ang isang manunulat ay nagbibigay ng isang opinyon sa isang isyu.
2. Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng isang posisyong papel?
- Ito ay mahhalaga upang alam mo kung paano mo mapaninindigan ang iyong katayuan at kung paano mo ito dedepensahan.
3. Ano ang mahahalagang elemento ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?
- Ang mahahalagang elemento ng isang posisyong papel ay ang pagbibigay ng mga ebidensya at paglalatag ng mga argumento. Dahil ito ang susi kung paano mo idedepensa ang iyong sarili.
4. Ano-ano ang nililinang na kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel?
- Ang pagiging tapat at may paninindigan. Sa paggawa ng isang posisyong papel ay mas natututo tayong manindigan sa kung ano ang saa tingin nating tama at nararapat.
5. Mahalaga bang isaalang-alang ang babasa ng iyong posisyong papel? Bakit?
- Opo, dahil mahalagang isaalang-alang ang mga babasa ng posisyong papel. Upang kanilang makita ang iyong opinyon hinggil sa nasabing isyu.
Isabuhay mo Na!
1. Ano ang isyung binigyang diin sa Posisyong Papel?
- Ang isyu na binibigyang diin sa posisyong papel ay ang paggamit ng Wikang Filipino bilang Mandatory na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong curriculum.
2. Paano inilahad ang posisyon sa posisyong papel?
- Inilahad ang posisyon sa posisyong papel sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ebidensya kung bakit dapat na gawing mandatory core course ang Wikang Filipino.
3. Paano inilatag ang mga ebidensya hinggil sa isyu? Ano-ano ang mga ito?
- Inilatag ang mga ebidensya sa pamamagitan ng pagbibigay rason o pagsasaad ng mga nararapat na impormasyon. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
- 1987 Konstitusyon Artikulo XIV, Seksyon 6
4. Ano ang naging kongklusyon sa posisyong papel?
- Ang kongkusyon sa nasabing posisyong papel ay sumasang-ayon sila na matupad ang Wikang Filipino bilang Mandatory Core Course upang mas malinang pa ito.
5. Ikaw, ano ang paninindigan mo sa isyu?
- Para sa akin, ako ay sumasang-ayon sa Wikang Filipino bilang Mandatory Core Course upang mas mapaglaanan natin ito ng pansin at mas malinang pa.
Simulan Mo Na
1. Paninindigan kong hindi ako ang naghagis ng balat ng saging dahil iyon ang totoo at wala silang ebidensya.
2. Ipaglalaban ko ang aking karapatan upang mapatunayan na malinis ang aking konsensiya.
3. Ipaglalaban ko ang aking karapatan na ako ay isang malinis na tao. Dahil kahit ano man ang mangyari ay magkaiba kami ng ugali ng aking ama.
Camarillo
Sulatin blg. 3
pahina 38.
Talumpati: Ako ay Pilipino
1. Para sa akin ang talumpati ay ang paglalahad ng iyong ninanais na iparating sa ibang tao na may kasamang paninindigan at upang maiparating sa ibang tao kung ano ang kanilang nararapat na gawin.
2. Ang mga mahahalagang salik na dapat bigyang-diin sa pagsulat ng talumpati ay ang iyong paninindigan, dapat nating panindigan kung ano ang gusto nating iparating sa bawat tao. At kailangan din nating maging determinadong ipakita sa kanila kung ano ang kinakailangan nating panindigan.
3. Mahalagang isaalang-alang ang tagapakinig sa pagtatalumpati sapagkat sila mismo ang binibigyan natin ng mensahe o impormasyon na nais nating ipabatid sa kanila. Walang saysay ang ating talumpati kung wala namang makikinabang dito.
4. Ang uri ng talumpati na aming napanuod ay isang isinaulong talumpati. Dahil ang mananalumpati ay walang dala na papel upang basahin at siya ay handang magsalita sa unahan.
5. Nakasisigurado ang isang mananalumpati na napukaw niya ang damdamin ng kanyang tagapakinig kapag ang kanyang inilalahad ay alam ito at maaaring nararanasan niya din. At ito ay nagbibigay ng saya sa kanyang tagapakinig.
Spoken Poetry: Engkwentro
1. Para sa akin ang isang Spoken Poetry ay isang paglalahad ng isang karanasan ng isang tao at kung paano niya hinarap ang mga bagay-bagay.
2. Ang mahahaagang salik na kailangang bigyang diin ay ang pagiging totoo sa sarili at ang pagiging mapanindigan. Mahalaga ang mga ito upang mas maayos nating mailahad ang ating karanasan na makapupukaw ng pansin sa mga tagapakinig.
3. Mahalagang isaalang-alang ang kanilang tagapakinig sapagkat sila ang makatatanggap ng mensahe at aral na nais ninyong iparating.
4. Ang uri ng spoken poetry na aming napanuod ay Impromptu.
5. Nakasisiguro ang naglalahad na napukaw niya ang damdamin ng kanyang tagapakinig kapag nadadalan na ang emosyon ng kanyang mga manunuod at maayos mo itong inilahad.

Sulatin blg. 2
Pangalan: Camarillo, Celnadine Y.
Kapanganakan: Disyembre 14, 1999 Edad: 17 taong gulang Kasarian: Babae
Magulang:
Ina: Camarillo, Melanie Y.
Ama: Camarillo, Danilo B.
Tirahan: 227 Dr. V. Solis St. Brgy. Julugan 3, Tanza, Cavite..
Antas ng edukasyon sa kasalukuyan: (Grado at Pangalan ng paaralan)
Baitang 12 sa Paaralang Saint Augustine School - SHS
Mga Asignaturang kinawiwilihan:
-Ingles
-Ethics
Mga kinahihiligan gawin:
-Magbasa ng libro
Mga natatanging kasanayan:
-Pagiging malikhain
-Pagkanta
Pinapangarap na Propesyon:
Maging isang Accountant.

Tuesday, January 16, 2018
Mary joy B. Carmen
OP#5
OP#5
Bionote
Si Mary joy B. Carmen ay tubong San Francisco, Quezon, siya ay kasalukuyang nag-aaral sa pampublikong paaralan sa ikalawang baitang sa strand na ABM sa Saint Augustine School Senior High School Tanza Cavite, siya ay nagkamit ng ika 7 karangalan noong ika 10 baitang. Siya rin ay sumali sa mga patimpalak ng pagandahan at talino sa kanilang lugar.
Ang kanyang mga magulang ay sina Marvie Carmen at Marie John Carmen. Siya ay isang mabuting anak sa kaniyang mga magulang at mga kapatid, tumutulong siya sa kaniyang magulang sa pag-aaral nito.
Siya ay kasalukuyang nakatira sa Springtown Villas Brgy. Bucal Tanza Cavite. Hilig niya ang pagsasayaw, pagdadrawing at pagsali sa mga patimpalak. Pangarap niya ang maging isang mahusay na tagapag luto.
Mary joy B. Carmen
OP #4
OP #4
"Kasaysayan ng Saint Augustine"
Saint Augustine School Tanza ay pinangalan pagkatapos ng towns patron saint, st. Augustine ay tinawag ding "Tata Usteng". Ito ay ginawa noong pebrero 14, 1969 ni Masignor Francisco V. Domingo, ang towns parish priest noong araw. Misyon ng paaralan ay makapagbigay ng magandang kalidad ng edukasyon at kristianong edukasyon para sa mga kabataan. Ito ay pormal na binuksan noong hunyo 1969 at nag-alok ng kinder at grade one.
Pagkatapos ng mahigit isang taon ang unang gusali ay itinayo sa tabi ng kaliwang bahagi ng simbahan. At noong 1971, nagtayo ng panibagong gusali para sa high school uumpisahan. Ito ay natapos noong 1972.
Ang unang naging punong guro ay si Sr. Angeles Gabutina, AR, na nagsilbi ng dalawang buwan. Bago si Sr. Clemencia Ranin ang pumalit. Nang si Sr. Ranin ay umalis agad naman itong pinalitan ni Sr. Matilde ang naging panibagong punong guro noong 1971. Siya ay nanatili ng dalawang taon, habang si Sr. Ma. Leonora ay nagsilbi bilang punong guro sa elementarya noong taong 1972-1973.
At noong 1973-1976, si Miss Patrocinio San Juan ang pumalit. Sa taong 1975 ay ang pag-alis ni Monsignor Francisco V. Domingo, sa pagiging town parish at direktor ng paaralan. SY 1975-1976 ang bagong administrasyon ng SAS. Fr. Luciano Paguiligan ang bagong direktor. Si Miss San Juan naman ay umalis, at noong 1977, Fr. Corsie Legaspi ang bagong namahala. Siya ay nanatili hanggang 1978-1979. At 1979-1980, Sr. Teresita Ocatario ang nanatiling naging punong guro, sinundan ni Miss Julieta Hernandez noong 1980-1989, at Rev. Fr. Teodoro Bawalan ay direktor ng paaralan at si Mercedita Pacumio ay punong guro simula 1989 hanggang sa kasalukuyan.
Mary joy B. Carmen
OP#3 Sintesis
OP#3 Sintesis
"Titser Annie"
Si titser Annie isang mabuti at maimpluwensiyang guro, linggo-linggo ay tinatahak niya ang sitio Labo, matitirik na bundok, mabababaw at malalalim na mga ilog ang kaniyang tinatahak, pero hindi ito naging hadlang upang sukuan ang mga mag-aaral na handang matuto. Idinitalye sito kung anu-ano ang mga naging karanasan ni titser Annie sa pagtuturo niya sa mga mangyan at mga magulang. Napakahirap ng pamumuhay ng mga mangyan sa pagkat walang kuryente at kailangan pang mag-igib ng tubig para sa kanilang inumin. Si titser Kristel ay isa sa nakakatulong ni titser Annie sa pagtuturo simula kindergarten hanggang grade 6. Isa si Lea Baldo sa mga tinuturuan ni titser Annie sa mga nakatatandang mangyan. Isa din naman si Dina sa tinuturuan niya sa kindergarten, si Dina ay 17 anyos na ngunit ngayon lamang siya natutong magsulat at magbasa.
Ikalawang bahagi ay idinitalye ni Kara David ang istorya sa kabila ng pag-alis ni Dina sa silid aralan. Habang sinusundan si Dina ay narating nila ang isang maliit na bahay na kung saan ay nakatira si Dina. Nakita ni Kara David ang isang matandang babae na walang tigil sa kauubo sa kadahilanang ito ay may sakit na dinaramdam na dalawang taon ng binabatid ito ay ang ina ni Dina na si Bilma. Dahil sa kahirapan ng buhay ay hindi na muling napakunsulta ang matanda at hindi na rin nabibilhan ng gamot. Sa loob ng dalawang oras na pag lalakad pasan ang napaka bigat na saging ay narating nila ang kamalig upang ibenta ito at ipambili ng gamot ng ina, sa napakabigat ng kaniyang pinasan ay 144 pesos lamang ang kanyang nakuha.
Ikatlong bahagi ay ipinakita parin ni Dina kung gaano siya kasaya sa kabila ng kakarampot na perang nakuha. Agad na pumuntang botika si dina upang mabili ang gamot ng ina. Sa perang kanyang nakuha ay dalawang piraso lamang ng gamot ang kaniyang nabilu at naiuwi sa ina.
Kamakailan lamang ay sinabihan si titser Annie na tapos na ang kaniyang pagtuturo sa Sitio Labo. Ngunit hindi tinanggap ni titser Annie ang alok sa halip ay nanatili pa rin siya sa mga mangyan.
Ikaapat na bahagi ay idinitalye kung papaanong sakripisyo ang ginawa ni titser Annie para lamang maturuan ang mga mangyan, pero sa kabila nito ay hindi nagpatinag si titser Annie sa mga pangyayari na kaniyang naranasan. Si titser Annie ay hindi isang doctor o milyonaryo, ngunit ang kaniyang pagtatyaga at pagtulong ay hindi mapapantayan ng kahit na anong bagay at nakapagbibigay inspirasyon sa mga mangyan na patuloy na magsumikapsa buhay.
Mary joy B. Carmen
OP#1
"Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema, o mga tanong na binibigyang kasagutan ng mag aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes, at pananaw"
Ano nga ba ang kahalagahan ng pagsulat? Bilang isang mag-aaral mahalagang matutunan natin kung paano ang sumulat. Dahil ang pag sulat ay isa sa mga napakahalagang bahagi ng kailangan isaalang alang o matutunan ng isang mag-aaral. Dahil dito nagkakaroon ang isang mag-aaral ng kakayahang gumawa ng maayos na pagsulat base sa kanyang pag-unawa at pag-iintindi.
Sa pagsulat natututo tayo na makapag isip ng magagabdang ideya o impormasyon na nais nating malaman, ngunit bago tayo gumawa ng isang sulatin isinasaalang-alang muna natin ang mga kinakailangang hakbang sa pagbuo ng sulatin. Una, pinag-iisipan nating mabuti ang paksa o tema ng ating sulatin na maging kawili-wili ito para sa mga mambabasa. Pangalawa, kinakailangan nating humagilap ng mga impormasyon na makapag gagabay sa ating sulatin o paksa. Pangatlo, upang mas maging maayos ang isang sulatin kailangang konektado ang bawat isa na mas makapag bibigay kaalaman o mahikayat ang mambabasa na tapusin ang teksto.
Kinakailangang isaalang-alang ng isang manunulat ang mga katangian, layunin at kahalagahan ng pagsulat. Dahil dito mas magkakaroon ang isang mag-aaral ng kaalaman kung paano niya maisasaayos ang sulating nais niyang magawa. Sa gabay ng mga ito magiging maayos at kaingga-ingganyo ang sulatin, sapagkat mayroon siyang ginagabayan sa paggawa ng sulatin.
Subscribe to:
Posts (Atom)