"Linggong puno ng unos"
Noong nakaraanng linggo ay ang aming midterm exam, maraming aaralin, kakabisaduhin, isabay pa ang mga proyekto at portfoliong ipapasa. Ngunit sa kanila nitong mga aralin at proyektong ito ay may bumabagabag saking isipan. May mga situation na hindi ko naman dapat problemahin ay iniisip ko at nomomoblema. Isabay mo pa ang social media na may negatibong post na nagbibigay sakin ng anxiety. Sa tatlong araw na exam ay sumasabay ito sa aking pag-aaral. Maraming negatibong konklusyon at situation ang pumasok sa aking isipan na ang kinalabasan ang ay pagkadismaya at kawalan ng focus sa pag-aaral.
Ngunit sa aking pagninilaynilay at repleksiyon sa aking sarili dapat pala ay hindi ako nagpapadala sa ganitong emosyon at damdamin. Dapat ay mas labanan ko ito at huwag magpapatalo dahil sa kabila ng ito ay walang magandang maidudulot uto, Maraming tao ang nakaalalay at handang tumulong sa mga ganitong panhaon kaya dapat ay lakasan at tatagan ang loob upang malagpasaan ito.
Sa kabila ng lahat ay hindi ako nagpadaig sa damdaming iyon, Nalagpasan ko ito, nakapagsagot at aral ako ng maayos upang may maisagot sa exam. Kaya iniisip ko lagi ay dapat ko lang tatagan ang aking loob at wag magpapatalo sa anumang pagkalito o damdamin, dahil ito'y mga pagsubok lamang at malalagpasan rin.
No comments:
Post a Comment