"potipot island"
Ang mga larawang ito ay kinuhaan noong ika-28 ng mayo 2016 sa potipot island sa zambales. Smooth drive at may katagalan ang biyahe papunta roon pero sulit sa mga magagandang tanawin na makikita mo. Naalala ko kung paano hampasin ng alon ang aming munting bangka patungo sa islang ito. Sa malayuan pa lamang ay makikita mo na ang magagandang tanawin at tubig sa isla. Pagkababa namin ng bangka ay makikita mo ang kulay turquoise water at ang white sand.
Naging maganda ang pagstay namin sa isla ,ay nirerentahn na kubo o pwede ka rin magtayo ng sariling tent. Maraming pwedeng gawin katulad ng snorkeling at kayak. Napakalinis din ng mga pasilidad at environment sa islang iyon. Wala kaming ibang ginawa kundi sumisid at magbilad sa arawan. Sobrang naenjoy ko ang bawat sulok ng isla. At siyempre hindi pwedeng mawala ang selpie o groupie kaya kumuha kami ng maraming picture sa islang yon.
No comments:
Post a Comment