Tuesday, March 13, 2018

Moya Madeleine B.
OP #3
Pictorial Essay

"Kaunlaran"

Sa bawat anggulo na iyong pagkukuhanan ng isang larawan, may nakapatong na mga karanasang ni kelan hindi makakalimutan. Ang litratong sumisimbolo sa katayuan ng isang tao sa kasalukuyan. Mapa malungkot man o masaya, mapagkukunan ng makabuluhang aral. Mga taong nakasama patungo sa iyong kahihinatnan. Inaasahang magdadala sayo sa kaunlaran. At masisiguradong hindi ka kailanman iiwan.

Kaibigang dumating sa hindi inaasahan, piniling makasama sa kabiguan at kasiyahan. Mula ng magkaroon ng muwang sa buhay, Natagpuan ang sinsabing kinakailangan, 
simula sa maliit na samahan, napatunayang marami ay di kinakailangan. Totoo at handa kang samahan upang makabuo ng maayos na kinabukasan. Sila ang dahilan ng pagtanggap sa pwedeng kahinatnan dahil sa kumpyansang hindi ka iiwan. Mapamabuti man o masama hindi ito sukatan upang masabi hanggang saan ang kapupuntahan. Ang kaunlaran ay galing sa mga kaibigang ginagawang ganado ang pamamalagi mo sa mundo. 

No comments:

Post a Comment