Sunday, March 11, 2018

Finals

Camarillo

OP#1 (Replektibong Sanaysay)

"Katatapos pa lamang na Midterm Exam"

          Ang midterm exam ay natapos na. Masaya, masaya ang lahat sapagkat eto na, tapos na ito. Ang midterm exam ay isa sa pinakamahalagang pagsusulit sa Senior High School at sa Kolehiyo. Sa pamamagitan ng pagsusulit na ito ay malalaman kung may natutunan ba ang isang mag-aaral o wala.  


       "Tapos na, sa wakas" mga katagang laging maririnig sa huling araw ng pagsusulit. Lahat ay masaya at nagdiriwang sapagkat tapos na ang pagsusulit. Maaari na ulit makanuod ng mga drama, makapaglaro sa kompyuter at higit sa lahat ay ang magpuyar. Isa ako sa mga nagng masaya nang matapos na ang pagsusulit. Ngunit marami akong napansin sa aking paligid noong simula hanggang matapos ang pasgusulit. Marami sa mga mag-aaral ay tahimik at nag-aaral, marami din namang kwentuhan lamang ang pinaiiral. Kaya ako'y nagtataka, ninanais ba nilang makatapos man lamang? Madami din sa mga mag-aaral ang mabilis natapos ang pagsusulit at tila ba hndi pinag-isipan ang mga kasagutan. Mahirap man ang mga naging pagsusulit sa nagdaang tatlong araw, kami ay lumaban at hindi sumuko. Ang pagsuko ay para lamang sa mga mahihina at kung gusto mo makamit ang tagumpay at makarating sa Finish Line, lahat ay gagawin mo gaano man kahirap an mga ito.


          Oo, mahirap nga ito. Mahirap ang mga pagsusulit na ito ngunit kapag ikaw ay hindi sumuko at nagawa mo itong tapusin siguradong maaabot mo ang Finish Line. Sapagkat ikaw ay nagsikap at hinarap ang laban.

No comments:

Post a Comment