Maquirang, Czheenah Marie G.
OP # 3 Kronolohikal na Sintesis
" Titser Annie "
May isang guro ang buwis buhay makapagturo lang sa isang liblib na lugar sa mindoro na nagngangalang Titser Annie. Kasama din niya ang isa pang guro na ang pangalan ay Cristel. Nagtuturo sila ng mga batang mangyan sa halip na mga bata lang sana ang kanilang tuturuan pati na din ang mga magulang ng mga bata ay kanila na rin tinuturuan. Magbasa, magbilang, at magsulat ang mga itinuturo nila sa mga ito. Halos ilang oras nila itong nilalakbay tatawirin para lang maturuan ang mga batang mangyan na gusto matuto. Ilang ilog ang tatawirin para lang makarating sa paaralan upang maturuan ang mga naninirahang mangyan sa lugar na iyon. Sa araw-araw na paglalakbay, sakripisyo, at pagod na dinadanas para lang makapagturo. Hanggang isang araw may napansin silang isang dalaga na hindi na tinapos ang klase niya dahil may pupuntahan ito. Noong sinundan nila ito ay may nakita silang matandang babae na may sakit na nanay pala ng dalaga. Dalawang taon na daw itong sakit na ito. Kailan pa noong huli itong pinakita sa doktor at nabigyan ng mga gamot. Simula noong namatay ang kanyang ama siya na ang tumayo bilang haligi ng tahanan dahil may sakit nga ang nanay nito. Siya ay naghahanap buhay upang makabili ng gamot ng kanyang nanay. Nagtratrabaho ito sa isang sagingan. Ginagawa niya ito upang magkaroon ng pambili ng mga kailangan nila sa araw-araw lalo na ang gamot ng kanyang ina. Isang beses sinamahan nila ito at nakita talaga kung paano gawin lahat ng bagay para lang may pambili ng gamot. Kahit mainit at masakit ang walang saplot sa paa ay nagagawa pa rin niyang maglakad ng napakalayo at napakainit. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya sa mga oras na iyon maiisip mo din na sumuko na at magpahinga nalang dahil sa init at sa hirap na magdala ng napakaraming saging para lang sa pera na pambili ng mga kailangan lalo na ang gamot ng ina. Nang naipalit na niya ito sa pera nagmadali itong pumunta ng bayan para makabili ng gamot at bigas sana. Ngunit ang kanyang pera ay hindi sapat para makabili lahat ng ito. Kaya mas inuna niya ang gamot ng kanyang nanay na iilan lamang ang nabili dahil sa kakulangan ng pera nito. Nang malaman ni Titser Annie na pwede na siyang lumipat ng paaralan at doon na magturo sa mas malapit sa mas madaling puntahan na eskwelahan sa kapatagan na paaralan, hindi na niya ito tinanggap dahil mas pinili niya ang magturo muli sa mga batang nakasanayan na niya turuan sa mga batang napamahal na siya ng sobra. Dagdag pa nito mas maigi nang siya ang magturo muli sa mga batang nagawihan na sa kanyang pagtuturo at lumaki na sakanyang madaming natutunan.
No comments:
Post a Comment