Maquirang, Czheenah Marie G.
OP # 2
FINALS Lakbay Sanaysay
" ALA-ALA "
Ika sampung baitang noong nagana ang aming "retreat" sa Baguio. Tatlong araw ang aming retreat. Alas dos ng madaling araw noong umalis kami sa amin papuntang baguio mahigit sampung oras din na naglakbay. Nakaupo sa bus ng maghaon. Iniisip at inaalala ang mga bagay na pwedeng mangyari sa akin sa tatlong araw. Pagdating namin doon ay inayos namin ang aming mga gamit bago makilahok sa unang paligsahan na magaganap. Pangalawang araw nagkaroon na kami ng madaming aktibidad upang may matutunan sa nasabing araw. Natapos ang araw na iyon na tila ba nagbago na ang lahat. Madaming natutunan at madami din namang naituro sa ibang tao. Pangatlong araw, ito ang araw na pinakahihintay naming lahat. Ang maglakbay sa buong Baguio. Madami kaming napuntahan. Halos lahat na ata ng pwedeng puntahan na maganda sa baguio ay aming napuntahan na. Nagsilbing inspirasyon ang mga lugar sa baguio upang ipagpatuloy ko ang aking pangarap at buhay. Dahil sa mga ito andito ako ngayon upang pagdaanan lahat ng pagsubok upang makapagtapos at magkaroon ng trabaho. Matapos ang araw na iyon at uuwi na kami sa amin na may dala dalang mga aral mula sa aming pinuntahan.
No comments:
Post a Comment