Carmen, Mary joy B.
OP#3 (Pictorial Essay)
"Kapayapaan"
Halo ang saya at pagkasabik ang aking naramdaman ng aking masilayan ang lugar ng aming pagre-recollection dito mo mararamdaman ang kapayapaan, katahimikan at kaayusan, nung panahong nandito ako onti-onti kung nararamdaman ang kapayapaan sa aking puso lalo na nung aking masilayan ang magandang kalikasan sa aking paligid na mas lalong nakapag paligaya at nakapag pasaya sa akin. Habang aking iniikot ang lugar ay mas lalo akong napamangha sapagkat makikita mo rito ang statwa ni jesus at mary na mas lalong nakapag pagaan ng aking kalooban. Noong simula ay wala akong ideya sa aming pupuntahan kaya hindi ako nasabik, ngunit ng akin ng matunghayan ang lugar ay nagbago ang aking pananaw at nasabik ng husto sa mga maaari naming makita.
Kapayapaan ang aking ipinamagat dahil sa larawan pa lamang ay makikita muna ang kaayusan at kapayapaan para sa iyo. Kapayapaang makapag nilay at makapag-isip ng magagandang bagay.
No comments:
Post a Comment