Camarillo
OP#3 (Pictorial Essay)
PAMILYA
Ipinakikita sa larawan kung gaano kasaya ang aming pagkakaibigan. Ang mga tao sa larawan na iyan ay hindi ko lamang tinuturing na kaibigan ngunit bilang isang pamliya din. Hindi lamang kaibigan ang mayroon ako, PAMILYA yan ang mayroon ako ngayon. Ang unang larawan ay kuha noong Baitang 11, Recollection 2016-2017 at ang ikalawa naman ay noong Career Guidance Day noong taong ding iyon. Ang pamilyang nakikita ninyo sa larawan ay hindi simpleng pagkakaibigan lamang, Sapagkat ang pamilyang iyan ay madami-dami na ding napagdaanan na siya mismong nagpapatatag sa kanilang samahan. Ang mga tao sa larawang ito ay higit na mahalaga para sa akin. Sila ang nagbibigay kasiyahan sa akin. Bakas sa aming mga ngiti ang saya kapag kami ay magkakasama. Patuloy na lalaban hanggang sa marating namin ang aming inaasam na pangarap ng magkakasama. Ang pamilyang nagpasaya at nagbigay ng kulang sa aking SHS. Maraming salamat at mahal na mahal ko kayo aking mga kapatid.
No comments:
Post a Comment