OP #1
Finals
Katatapos pa lamang ng Midterm Exam
"Hindi ka tutulog, at hindi ka rin susuko"
Susukuan ko na ito, dikta ng puso, isip at diwa ko. Hanggang kelan ba matatapos ang bugat na nararamdaman ko. Na tuwing parating ang pagsusulit, hirap akong tibayan ang loob ko upang marating ang malaking pinapangarap ko. Pero masisisi mo ba ang taong parang pinagsakluban na ng mundo?. Gustuhin man itong matapos pero ang sakit ko'y hindi sumasangayon sa balak ko. Pwede bang kagaya na lang nila ako na walang insomnia at nakapagsasaolo ng husto. Ng hindi ko maisip na ang pagsasaolo ay isang mabigat na hamon. Ni isa walang alam sa pinagdadaanan mo kung hindi ang sarili mo. Sana pwede kahit minsan hindi na alalahanin kung paano malalagpasan ang susunod pang pagsusulit na dadaan.
Akala ng nakararami na ang Insomnia ay isang sakit na kalimitang apektado lang ang kalusugan ng isang tao. Hindi nila alam na halos mabaliw ako kakaisip kung kelan makakapagpahinga ang utak ko mula dito. Pinapangarap na sa bawat pagpikit ng mata'y sabay sunod na ng magiging panaginip ko. Balakid na hindi alam kung kelan ito matatapos. Pagdudusang inaasa na lang sa gamot at pananampalataya sa Diyos. Sakit na pati ang nasimulan mo gusto ng matapos. Sakit na nagpupumilit na mailayo ka sa pangarap mo. At pagkakataong walang mabahagian sa problemang pinapasan mo dahil siguradong kang lahat sila'y nakapikit at ika'y mulat pa.
Minsan napaisip ako na kung sasabihin ko ba ito sa maraming tao, mabibigyan nila ako ng kahit kaunting konsiderasyon. Ang masakit pa'y dadagdag pa sila sa magpapahirap ng sitwasyon. Inaasahang palagi na ang estudyante sa harapan nila'y mas magaling pa sa susunod. Na hindi maaring maging mahina dahil marami pang nakaabang na pagsubok. Masakit isipin na sila'y natutulog na at ika'y nagpupumilit isiksik sa utak ang kaalamang magdadala sa pangarap mo. Pero ganon pa man eto parin ako at nakakaraos. Para sakin walang dapat isipin kung hindi tanggapin ang kapalaran ko. Dahil sa pagtanggap susunod na ang pagsusumikap at mapatunayang sa lahat na hindi ako magpapadaig sa hamon. Mananatili akong matatag at nagpupursige sa bawat pagsubok.
No comments:
Post a Comment