Monday, February 5, 2018

Marilou Salugsugan #3

Suriin mo na Jan. 29

  1. Ano ang pagkakaiba ng larawang-sanaysay sa isang tradisyonal na sanaysay?
Ang larawang sanaysay ay gumagamit ng mga pamaraan sa pagsasalaysay na gumagamit mismo ng mga binuong larawan o hindi kaya ay mayroong larawan na may maikling teksto o caption habang ang tradisyonal na sanaysay naman ito ay pagsasalaysay kung saan naglalahad ng mga pangyayari sinisimulan din ito sa mga bahagi katulad ng panimula, gitna at wakas

  1. Bakit mahalagang sangkap ang mga larawan sa paggawa ng pictorial essay?
Sa paggawa ng pictorial essay hindi lamang ito basta na lamang iginawa kundi may mga sangkap ang mga larawan katulad na lamang sa aalamin mo kung ano ang iyong layunin at kung ano ang nais mong iparating sa mga mambabasa o sa mga makikinabang ng iyong iginawa kailangan ay malikhain ka sa paggawa ng mga ito at may walong salik na dapat ding isaalang-alang sa pagsulat o paggawa ng larawang sanaysay

  1. Ano-ano ang layunin ng pictorial essay?
Ang layunin ng pictorial essay ay magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon at malinang ang pagiging malikhain

  1. Paano makatutulong ang pictorial essay na malinang ang pagiging malikhain ng mag-aaral na tulad mo?
Sa katulad kong mag-aaral, makatutulong ang pictorial essay upang malinang ang pagiging malikhain ko. Nalilinang kasi dito kung paano ko pag uugnay-ugnayin ang mga larawan ayon sa aking mga kaisipan o ideya, nalilinang dito kung ano ang nais kong iparating

  1. Bakit mahalagang ang paksa ng iyong pictorial essay ay nakabatay sa iyong interest?

Kung ako at gagawa ng pictorial essay dapat na ang aking paksa ay nakabatay sa aking interest upang mas malinaw kong mailalahad kung ano man ang nais kong maiparating at matapos iyon ng maayos at hindi maging ningas kugon na sa umpisa lamang magaling

1 comment: