Monday, March 12, 2018

FINALS

Carmen, Mary joy B.

OP#1 (Replektibong Sanaysay)

"Isang natatanging karanasan bilang isang mag aaral"

         Ang natatanging karanasan sa akin bilang isang mag aaralay ang makapag tapos ako ng elementarya at sekondarya. Sapagkat ito ang araw na pinakang hinahangad kung mangyari sa aking buhay at akin na ring kahaharapin ang mga samutsaring pagsubok sa aking buhay at gayun na din sa aking pag aaral. Nang ako ay makapag tapos sa mahigit sampung taong pag aaral iba't ibang emosyon ang aking naramdaman kaba, saya, takot, at lungkot. Ngunit sa iba't ibang emosyong aking naramdaman ay hindi pa rin nag patinag ang aking kasiyahan, sapagkat marami nanaman akong makakaharap na panibagong magiging kaibigan at panibagong pakikisamahan, marami na namang memorya ang maaaring mabuo at maipon. Ngunit di pa rin maaalis sa aking isipan ang kaba sa mga panibagong pagsubok na aking kahaharapin at kailangan malampasan. At kahit ganun pa man sisikapin ko pa ring malampasan ang lahat ng mga bagay na kailangan kung harapin ng may tapang at pagtitiwala sa sariling kakayahan. 

No comments:

Post a Comment