Camarillo
OP#2 (Lakbay Sanaysay)
Disyembre 14, 2017. Ang araw na ito ay ang aking kaarawan. Kung kaya't ako ay masayang masaya. Sapagkat aking ipinagdiriwang ang aking Ika-labingwalong taong kaarawan. Sa araw na ito rin magaganap ang isa sa aking mga pangarap na di ko akalaing matutupad. Noong araw ding iyon ay lumipad kami patungong Dubai o sa bansang UAE at dito din magsisimula ang isang masayang paglalakbay kasama ang ilang mahal sa buhay.
Disyembre 15, 2017 nang unang makarating ako sa ibang bansa bukod sa ating bansa. Pagkalabas na pagkalabas pa lamang namin sa paliparan ay manghang-mangha na ako sa mga tanawing aking nakikita. Tila ba hindi ako makapaniwala na ako ay nandito na sa isang bansang dati'y pinapangarap ko lamang, Grabe! Ito na talaga! Unang araw pa lamang namin ay madami na kaming napuntahan at tila ba hindi iniintindi ang pagod na nadama sa byahe. Ang Dubai ay isa sa pinakamagandang lugar na aking napuntahan. Malinis at walang kalat sa paligid. Preskong hangin lamang ang iyong malalanghap dito. At isa sa pinaka sikat dito ay ang kanilang mga Mosque. Kahit saang sulok sa lugar ay mayroon kang matatanaw na Mosque. Hindi maikukumpara sa ibang lugar ang bansang ito pagdating sa kalinisan. Nagdaan ang mga araw at ako'y nakarating sa iba't-ibang lugar. Nariyan ang Dubai Miracle Garden, kung saan ang buong paligid ay napaliligiran ng mga bulaklak at ang Global Village, kung saan ay punong-puno ng iba't-ibang produkto ng iba't-ibang bansa at mga kilalang lugar sa buong mundo. Ika'y magbabalik sa pagkabata kapag ito ay narating mo at mayroong karnabal sa loob nito. Kamangha-mangha ngang tunay ang bansang ito. Likas na pinahahalagahan ang kanilang bayan at maging ang mga mamamayan. Maraming atraksyon ang sasalubong sayo sa bansang ito at siguradong ikaw ay magiging masaya.
Marami akong natutunan sa paglalakbay kong ito. Ako man ay umalis sa ating bansa ngunit mas magiging matimbang pa rin ito sa puso ko. Madaming ipinabaong alaala at leksyon ang bansang Dubai sa akin. Inaasahan ko sa hinaharap na ako'y makabalik muli at bumuo ng nas magagandang at masasayang alaala sa bansang nagbigay saya at tumupad sa pangarap ko.
No comments:
Post a Comment