"Isang natatanging karanasan bilang isang mag-aaral"
Marso
2012 nang makapagtapos ako ng elementarya, usap-usapan sa loob ng klasrum kung
saan ba sila papasok para sa darating na grade 12, isa sa mga napili ng aking
kamag-aral ay ang Tanza National Comprehensive ngunit ang nakapagpapukaw sa
aking isipan noong ibinanggit ng aking mga kaibigan na si Aira na halos
dalawang taon kong nakakasa sa loob ng silid aralan, noong ibinanggit nya ang
SAS noong una ay napaisip ako kung saan ba iyong paaralan na iyon ngunit
isinagot nya lamang ay sa bayan katabi ng simbahan kaya naman ay lalo akong
nalito dahil ang tumatak lamang sa aking isipan ay paano iyon nangyari? At
nasaan banda ang school doon? Todo hanap ako sa loob ng simbahan kung saan ba
iyon. Tanza National Comprehensive High School. Dito ako nag-aral sa loob ng apat
na taon at unti-unti napagtanto kong ang SAS o Saint Augustine school ay
malabong mapasukan ko dahil pribadong eskwelahan ito na kung saan ay marami
kang makakasalamuha na mayayaman talaga. At ang balita sa aking kaibigan na si
Aira ay mapalad dahil ang pangarap kong pasukan ma eskwelahan ay doon na nya
iyon nakamit. Gusto ko mang pasukan at mag-aral sa SAS ngunit naisip ka rin na
siguro ay hindi iyon para sa akin. Hindi ko kanyang mag aral sa ganoong
Iskwelahan na bukod sa maraming bayaran ay hindi ko ito kayang tumbasan dahil
hindi naman ako ganoong karami ang pera para sa pantustos sa mga bayarin ngunit
nag papasalamat din ako sa school ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na ang isa
sa mga pangarap ko ay naabot ko na napukaw ko sa aking sarili na mayroong mas
magandang plano si God kesa sa tayo ang gagawa sa plano natin ngunit kung sa
bandang dulo naman ay hindi makabubuti sa atin buhay. Nakakatawang isipin na
ang paaralan na pinapasukan ko ngayon ay nakamit ko na ng buong-buo. Hindi sa
inaayawan ko ang dati kong paaralan sa TNCHS, ngunit iba parin kase talaga na
ang pangarap at gustuhin sa buhay ang usapan. Masarap sa damdamin na bilang
isang normal na mag-aaral, itong mga ganitong mga karanasan at hindi ko
aakalain na makakamot mo din pala. Kaya naman at nagpapasalamat ako sa Dyos na
isa rin pala ito sa mga bagay na gusto nya para sa akin. "Bakit ka kase sa
SAS nag-aral,Dapat dito ka nalang kasi" ito ang laging sinasabi sa akin ng
mga dati kong kaibigan ngunit ngingitian ko na lamang ito.
No comments:
Post a Comment