Tuesday, March 13, 2018

FINAL (Marilou Salugsugan) OP

"Sa likod ng Magandang Tanawin"


           Noon lamang Enero 23,2018 nangyari ang picture taking sa lugar kung saan hindi mo aakalaing may igaganda pa pala sapagkat ang kapaligiram ang madumi at karamihan ay puro basura ngunit maganda ang tanawin pagdating naman sa camera. Ito ang isa sa mga karanasan ko na hindi ko makakalimutan dahil galing ako sa paaralan ng SAS o Saint Augustine Senior High School noong mga panahon na iyon. Yung nga oras na iyon ay kagagaling ko lang din sa photoshoot para sa aming bookyear na gagawin. Ang lugar na ito ay isa sa magagandang tanawin sa lugar ng Julugan VIII Tanza, Cavite kahit na ito ay kadalasang kinakatakutan ng Ikararami dahil madilim sa lugar na iyon lalo na at wala pa itong mga ilaw tuwing gabi at puro din ito mga halaman kaya naman ay natatabunan ang daanan. Ang lugar na ito ay kinukuhanan ng mga mangga dahil karamihan sa mga puno ay puno ng mangga kaya naman napansin ko lamang na tuwing papasibol ang mga mangga ay doon lamang idinarayo ang lugr na ito sapagkat sagana ito sa mga gulay at prutas. Naalala ko pa noong mga panahon na iyon na nakita kame ng aming mga kaibigan kaya naman ay nakaramdam din ako ng kaonting hiya. Walang may-ari sa lugar na ito, Kung mayroon man ay wala ito dito sapagkat walang naninita lalo na sa mga taong kumukuha ng mangga. Maganda man ang paligid ngunit sa likod nito at mayroon itong kwento na hindi kaaya-aya katulad na lamang ng mga taong abusado na hindi iniisip kung sapat na ba ng pagkuha nila ng mga bunga. Tambayan din ito ng mga adik daw na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o humihithit ng hindi naman karapat dapat gawin kaya naman isa rin ito sa mga ipinangangamba ko ng kami ay kumuha ng litrato. Magandang mag liwaliw dito sa lugar na ito ngunit kung minsan at hindi mo alam kung ligtas kaba dito dahil sa mga sabi- sabi na hindi mo alam kung ba o hindi. Nakakawala ng pagod dahil sa hangin na dumadampi sa aking mga balat. Minabuti na lamang namin na huwag na lamang kaming abutan ng dilim dahil bukod sa wala itong ilaw at malayo din ito sa mga bahay-bahay kahit na ang katabi lamang nito ay ang kalsada.

No comments:

Post a Comment