Monday, March 12, 2018

Maquirang, Czheenah Marie G.
OP # 2 Deskriptibong Pananaliksik
Rason ni lolo’t lola sa pagtratrabaho sa kabila ng kanilang edad
Ang rason ay isa sa mga hindi na natin maikakaila na ginagawa natin sa pang araw-araw nating pamumuhay. May ilang rason tayong pilit na gustong malaman ang sagot. Rason kung bakit patuloy pa rin tayong nabubuhay. Rason kung bakit tayo nasa ganitong katayuan. At kung rason kung bakit patuloy pa rin tayong nagtratrabaho sa kabila ng ating katamdaan. Maraming mga dahilan kung bakit patuloy paring nagtratrabaho ang mga tao kahit na sila ay may edad na at maaari nang makapagpahinga ngunit mas pinili pa rin nilang magtrabaho. Ang pag aaral na ito ay binigyang linaw ang mga kani-kanilang rason. Ang lolo at lola ay mayroong pagpapahalaga sa napili nilang trabaho. Isinasapuso nila ang kanilang bawat ginagawa. Mahal nila ang kanilang trabaho at pinagbubutihan nila ito. Ang natutunan dito ay patuloy na pagbutihan ang bawat gawain. Maging malakas sa lahat ng bagay at habang may buhay mayroon palaging pag-asa

No comments:

Post a Comment