Monday, March 12, 2018

FINALS

Carmen, Mary joy B.

OP#2 (Lakbay Sanaysay)


     Noong desyembre 11, 2017 sa lugar kung saan makikita ang magandang tanawin ng Antipolo ay napagpasyahan ko at ang aking ate na pumunta dito upang makita ito nang personal ng aking mga mata. Habang kami ay naglalakbay patungo sa lugar na iyon lalo akong nagagalak sa mga tanawin na aking matutunghayan mahigit kalahating oras ang aming naging pag lalakbay, at makalipas mga bawat minuto ay amin ng narating ang lugar na iyon. Nang amin nang narating ang lugar na iyon halos hindi maipaliwanag ang sayang aking nararamdaman. Bago namin makita ang tanawin amin munang dinaanan ang matarik na daan at lakarin ang napaka haba at napakataas na kalsada.Sa taas nito  makikita ang nag gagandahang pag liwanag ng mga ilaw. Ngunit bago namin makita ang mga ito ay amin munang dinaanan ang napaka taas na tulay. Ngunit sa kabila ng karanasan na iyon ay bigla na lamang napawi sa magandang tanawin ang aming mga mata. Hindi maalis sa aming mga labi ang ang tuwa sa kabila nang aming mga natunghayan. Masasabi kung ang karanasang iyon ay nakakapagod, nakakakaba, at magastos ngunit ang lahat ng iyon ay naging sulit dahil sa kagandahan ng tanawing aming natunghayan. 
       Kaakit-akit, nakaka-aliw, at hindi nakakasawa ito lamang ang mga bagay na hinding hindi ko malilimutan sa karanasang iyon. Pag katapos naming malibot at makita ang lugar na iyon ay napag pasyahan nabrin naming umuwi, ngunit habang kami ay papauwi ay hindi pa rin maalis sa aking isipan ang tanawing iyon na babaunin ko hanggang sa aking pag tanda. 

No comments:

Post a Comment