OP # 2
Lakbay Sanaysay
"Laro"
Sabi nila, na sa payapang paglalakbay tayo mas makakakuha ng makahulugang aral at realisasyon sa buhay. Pero para sa akin hindi lang sa ganoong panahon tayo malayang makakapagisip tungkol sa bagay bagay. Dahil ang pagkatuto ay walang pinipiling lugar, na kahit nasa pagod at masukal kang lugar makikita mo ang bawat kabuluhan nito sayo. Sa pagkakataong ito mas ninais kong ikwento ang pangyayaring masasabi kong nakumpleto sa buhay ko. Sa naganap na CADIPSAA isa ako sa maswerteng taong napili upang iprisinta ang paaralang minamahal ko. Kahit matagal na akong naglalaro at nadalo sa lugar ng patimpalak ay palaging sariwa ang pakiramdam sa bawat hakbang ko papasok ng pinto. Kaba at pagkasabik ang takbo ng puso ko ng panahong iyon. Ipinapaalala sa sarili na matagal kana, at kelangan mong ngumiti para mapalakas ang loob ng kakampi at mahikayat silang maging maligalig sa laro. Sa unang laro, maraming tao ang nasaksihan ang galaw ko. Sinasambit ang apelyido at naging motibasyon ko. Doon din namin nakuha ang unang pagkapanalo.
Ang bawat panalo at isang pagpapatotoo na may mapapala kapag nagsikap ang isang tao. Sa bawat tira ng bola papunta sa kalaban ay isang hakbang upang makapuntos at makamit ang pagkapanalo. Pero di suka't akalaing kami'y makakaranas ng pagkatalo at don mas may natutunan ako. Sana;y akong medalya ang naiuuwi ko. Sana'y akong makilala sa magandang naiambag ko. Pero noong kalagitnaan ng laro, kami nama'y nabigo. Nagkaroon ng panahon upang makapagisip sa susunod na plano. At sumagi sa isip ang lahat ng teknik na nagawa ko. Tanong sa sarili, may kulang pa ba sa ginawa ko?.Binalik- balikan ang puntong iyon at isa ang naintindihan. Na sa galaw ng sarili mo di mo manlang isinasaalang alang ang grupo. Sila'y kabado at hindi mo manlang sinikap na hikayatin silang wag sumuko. Ikaw ang may alam pero walang kang ginawa para sa kanila. Sa ganoong punto ng oras na iyon natanong muli ang sarili ko. Sambit na lang ang katagang "kinaya ko ito noon at mas kakayanin na namin ito ngayon" kahit wala ako sa kondisyon hindi ito magsisilbing balakid sa pagkapanalo.
Bilang miyembro ng parong pang grupo dapat bukas ang ating buong pagkatao. Handa dapat tayong maging mahina para mapalakas ang ibang tao. Ang paglalaro ay isang kinahihiligang dapat hindi ipinagyayabang bagkus ito ang magiging daan sa makabagong matututunan. Ang kahalagahan ng isang laro ay wala sa medalyang natatamo, kung hindi sa mabuting aral na maipupunla mo sa puso ng bawat taong na maaring gawing inspirasyon upang mas maging mahusay na tao.
No comments:
Post a Comment