Monday, March 12, 2018

Maquirang, Czheenah Marie G.
OP # 1
FINALS

" Midterm Exam "

Enero 2018 nang matapos ang aming Midterm Exam. Lahat ng estudyante sa Saint Augustine Senior High School ay abala sa pag-aaral ng iba't ibang asignatura para maipasa ang Midterm. Pero siyempre mag eexam para lang may masabi na nag exam at para matapos na ang mga exam.
Kung babalikan lang ang mga pangyayari noong araw na mga iyon isa ako sa mga estudyante ng Saint Augustine na sumakit ang ulo, napuyat at minsan hindi na kumakain dahil sa pag-aaral kung ano ang exam kinabukasan. Tatlong araw ang exam. Tatlong araw ko din na hindi maintindihan ang aking sarili. Ngunit ako'y nagpapasalamat dahil may bunga ang mga itinanim kong mga pagtitiyaga.
" Nairaos din ang midterm " yan ang sabi ko pagkatapos ng exam sa Filipino. Pero bago ko sabihin yang kataga na yan sumakit muna ang aking kamay kasusulat dahil sa Filipino. Pero masaya ako dahil alam ko naman na sa sarili ko na madami akong napag-aralan at naisagot. Patuloy lang tayo maglaan ng oras para sa pag-aaral upang masuklian din ito ng napakagandang balita.

No comments:

Post a Comment