Tuesday, March 13, 2018

FINAL (Marilou Salugsugan) Psasalamat sa Pagtanggap


                                                                                                                    Mapagmahal St. Poblacion 1 
                                                                                                                    Tanza, Cavite 
                                                                                                                    Ika-06 ng Marso 2018


Bola Gabriel 
Manager 
Metro bank Manila 

Mahal na Ginoong Bola: 

Pagbati! Lubos akong nag papasamat sapagkat tinaggap ninyo ako bilang isa sa parte ng inyong kumpanya. Sisiguraduhin ko ma magagammpanan ko ang aking trabaho bilang isang Finance Analyst sa pamamagitan ng pagiging isang responsable. Sisikapin ko na maging isang mabuting empleyado sa inyong tanggapan. Maraming salamat!

                                                                                                                   Lubos na gumagalang, 
                                                                                                                   Marilou Salugsugan

FINAL (Marilou Salugsugan) Pictorial Essay




Identification.
        Ito ay kuha noon lamang nakaraang taon. Dito bago mangyari ito at bago ito makuhanan ay maraming pagsubok ang aking ipinagdaanan dahil dito nakasalalay ang aking mga pangarap na kahit mahirap abutin ngunit ito ay kakayanin parin. Simple lamang ito kung titignan ngunit itong litrato na ito ay isa sa mga mahahalagang gamit na kailan man ay hindi pwedeng mawala.

FINAL (Marilou Salugsugan) Panalip na Liham



                                                                                                                Julugan VIII, Tanza, Cavite
                                                                                                                Ika-20 ng febrero 2018 

S. Dan Alber Bola
 Manager 
Metro bank Manila 

Mahal na ginoong Bola: 

Pagbati!
        Ako po si Marilou Salugsugan na nagtapos ng Bachelor of science in business Administration Major in Banking and Finance sa pamantasan ng laguna taong 2022. Nais ko po sanang mag aplay ng trabaho sa inyong kumpanya bilang isang Finance analyst o anumang posisyon na pasok sa aking kurso. Masisiguro ko na magagawa ko ang aking tungkulin ng maayos dahil ako po ay matiyaga at handa sa responsibilidad na nakaatang sa akin. Maraming Salamat po sa inyong pagtugon.


                                                                                                                  Lubos na sumasainyo, 
                                                                                                                   G. Marilou Salugsugan

FINAL (Marilou Salugsugan) Pansariling Tala



 Marilou Salugsugan
Julugan VIII, Tanza, Cavite 
Email: marilousalugsugan22@gmail.com 



EDUKASYON 

Institusyon
Pamantasan ng Sta. Mesa Laguna 
Saint Augustine Senior High School 
Julugan II, Tanza, Cavite 


Tinapos
 Bachelor of Science in Business Administration Major in Banking in Finance 
Sekundarya 
Elementarya 

Petsa
 Febrero 2022
 April 2018 
Marso 2012 

PROPESYONALISMONG KARANASAN 

Institusyon 
Jollibee food house, Tanza, Cavite 

Posisyon
 Cashier and crew 

Petsa 
2019-2020 

MGA LAYUNIN SA BUHAY

 •Naisasagawa ang responsibilidad na nakaatang 
•Naisasagawa kung ano man ang tungkulin sa trabaho
 •Maiaa-play ang karanasan dati sa kasalukuyan

 MGA KARANGALANG NATAMO 
•Honorable mention 2012 
•Honorable mention 2015 



MGA DINALUHANG PALIHAN 

Pamagat 
Investment of the Philippines 
Investing for the future
Assembly to manage a money properly 

Organisasyon 
BDCB Production 
Assembly for youth 
Philippine entrepreneurs Education 

Pinagdausan 
Caloocan, Manila 
Sta. Mesa Laguna
 Sta. Mesa Laguna

Taon 
2019
 2021
 2021 

SAMAHANG KINABIBILANGAN 
Youth for christ
 Samahang tapat ko, linis ko
 Kabataan laban sa droga 

SANGGUNIAN 

Rommel Santiago 
Chief University of the Philippines
 Pamantasan ng tagbilaran Tagbilaran, Bohol 
Numero: 09123456789 

Alexandre Mendoza
 Teacher 1
 University of the East Caloocan
 Numero: 09996959299 

Lawrence Medina 
Chieft Lyceum of the Philippines 
Manggahan, Cavite 
Numero: 09112151611

FINAL (Marilou Salugsugan) Karanasan


             "Isang natatanging karanasan bilang isang mag-aaral"


            Marso 2012 nang makapagtapos ako ng elementarya, usap-usapan sa loob ng klasrum kung saan ba sila papasok para sa darating na grade 12, isa sa mga napili ng aking kamag-aral ay ang Tanza National Comprehensive ngunit ang nakapagpapukaw sa aking isipan noong ibinanggit ng aking mga kaibigan na si Aira na halos dalawang taon kong nakakasa sa loob ng silid aralan, noong ibinanggit nya ang SAS noong una ay napaisip ako kung saan ba iyong paaralan na iyon ngunit isinagot nya lamang ay sa bayan katabi ng simbahan kaya naman ay lalo akong nalito dahil ang tumatak lamang sa aking isipan ay paano iyon nangyari? At nasaan banda ang school doon? Todo hanap ako sa loob ng simbahan kung saan ba iyon. Tanza National Comprehensive High School. Dito ako nag-aral sa loob ng apat na taon at unti-unti napagtanto kong ang SAS o Saint Augustine school ay malabong mapasukan ko dahil pribadong eskwelahan ito na kung saan ay marami kang makakasalamuha na mayayaman talaga. At ang balita sa aking kaibigan na si Aira ay mapalad dahil ang pangarap kong pasukan ma eskwelahan ay doon na nya iyon nakamit. Gusto ko mang pasukan at mag-aral sa SAS ngunit naisip ka rin na siguro ay hindi iyon para sa akin. Hindi ko kanyang mag aral sa ganoong Iskwelahan na bukod sa maraming bayaran ay hindi ko ito kayang tumbasan dahil hindi naman ako ganoong karami ang pera para sa pantustos sa mga bayarin ngunit nag papasalamat din ako sa school ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na ang isa sa mga pangarap ko ay naabot ko na napukaw ko sa aking sarili na mayroong mas magandang plano si God kesa sa tayo ang gagawa sa plano natin ngunit kung sa bandang dulo naman ay hindi makabubuti sa atin buhay. Nakakatawang isipin na ang paaralan na pinapasukan ko ngayon ay nakamit ko na ng buong-buo. Hindi sa inaayawan ko ang dati kong paaralan sa TNCHS, ngunit iba parin kase talaga na ang pangarap at gustuhin sa buhay ang usapan. Masarap sa damdamin na bilang isang normal na mag-aaral, itong mga ganitong mga karanasan at hindi ko aakalain na makakamot mo din pala. Kaya naman at nagpapasalamat ako sa Dyos na isa rin pala ito sa mga bagay na gusto nya para sa akin. "Bakit ka kase sa SAS nag-aral,Dapat dito ka nalang kasi" ito ang laging sinasabi sa akin ng mga dati kong kaibigan ngunit ngingitian ko na lamang ito.

FINAL (Marilou Salugsugan) OP

"Sa likod ng Magandang Tanawin"


           Noon lamang Enero 23,2018 nangyari ang picture taking sa lugar kung saan hindi mo aakalaing may igaganda pa pala sapagkat ang kapaligiram ang madumi at karamihan ay puro basura ngunit maganda ang tanawin pagdating naman sa camera. Ito ang isa sa mga karanasan ko na hindi ko makakalimutan dahil galing ako sa paaralan ng SAS o Saint Augustine Senior High School noong mga panahon na iyon. Yung nga oras na iyon ay kagagaling ko lang din sa photoshoot para sa aming bookyear na gagawin. Ang lugar na ito ay isa sa magagandang tanawin sa lugar ng Julugan VIII Tanza, Cavite kahit na ito ay kadalasang kinakatakutan ng Ikararami dahil madilim sa lugar na iyon lalo na at wala pa itong mga ilaw tuwing gabi at puro din ito mga halaman kaya naman ay natatabunan ang daanan. Ang lugar na ito ay kinukuhanan ng mga mangga dahil karamihan sa mga puno ay puno ng mangga kaya naman napansin ko lamang na tuwing papasibol ang mga mangga ay doon lamang idinarayo ang lugr na ito sapagkat sagana ito sa mga gulay at prutas. Naalala ko pa noong mga panahon na iyon na nakita kame ng aming mga kaibigan kaya naman ay nakaramdam din ako ng kaonting hiya. Walang may-ari sa lugar na ito, Kung mayroon man ay wala ito dito sapagkat walang naninita lalo na sa mga taong kumukuha ng mangga. Maganda man ang paligid ngunit sa likod nito at mayroon itong kwento na hindi kaaya-aya katulad na lamang ng mga taong abusado na hindi iniisip kung sapat na ba ng pagkuha nila ng mga bunga. Tambayan din ito ng mga adik daw na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o humihithit ng hindi naman karapat dapat gawin kaya naman isa rin ito sa mga ipinangangamba ko ng kami ay kumuha ng litrato. Magandang mag liwaliw dito sa lugar na ito ngunit kung minsan at hindi mo alam kung ligtas kaba dito dahil sa mga sabi- sabi na hindi mo alam kung ba o hindi. Nakakawala ng pagod dahil sa hangin na dumadampi sa aking mga balat. Minabuti na lamang namin na huwag na lamang kaming abutan ng dilim dahil bukod sa wala itong ilaw at malayo din ito sa mga bahay-bahay kahit na ang katabi lamang nito ay ang kalsada.
Maquirang, Czheenah Marie G.
OP # 6 Pictorial Essay
FINALS
                                                                                                                          13 Familyville Subd.
                                                                                                                           Bucal Tanza, Cavite
Ika-19 ng Pebrero 2022

FLORENCE TOLEDO
Manager
ABC Company
Morayta Manila

Mahal na Ginoong Toledo:
Pagbati!
Nais ko pong ipaabot sa inyo ang taos puso kong pagpapasalamat dahil binigyan niyo po ako ng oportunidad upang makapagtrabaho sa inyong tanggapan. Makakaasa po kayo gagalingan ko sa bawat tungkuling ibibigay niyo sa akin at buong pursyento ko pong igugugol ang oras para ito'y mapagtagumapayan.

                                                                                                                          Lubos na sumasainyo,
                                                                                                                          Czheenah Maquirang