Monday, December 4, 2017

Sulatin blg. 1 Pamagat ng Paksa: Ang pamagat ng paksa ay "Internship: Kwentong Loob ng Tagalabas" Mananaliksik: Ang mananaliksik ng Abstrak ay si Graziel Ann Ruth Latiza. Institusyon: Ang institusyon niyang pinanggalingan ay sa Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lungsod ng Quezon. Mahahalagang Impormasyon ng pag-aaral: Ang mga mahahalagang impormasyon ng pag-aaral ay Una, Ito ay nagbigay sa atin ng kaalaman kung ano ang nangyayari sa loob ng isang Ospital. Pangalawa, Inilahad din dito ang mga etika ng isang doktor at kung paano niya tratuhin ang kanyang mga nakakasalamuha sa loob ng Ospital. At ipinakita din dito ang katapangan na ilahad sa Abstrak na ito ang kanyang mga nalalaman. Kahalagahan ng pag-aaral: Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay imulat tayo sa kung ano ang nangyayari sa loob ng isang Ospital at upang iparamdam sa atin ang nararamdaman ng iba buhat sa mga nangyayari. At upang malaman natin kung ano ang katotohanang nangyayari sa loob ng isang Ospital. Mahalagang alam natin ang mga ito upang magkaroon tayo ng kaalaman sa kung ano nga ba ang Etika ng mga Doktor. Mga tanong: 1. Tungkol saan ang mga Abstrak na binasa? *Internship: Kwentong Loob ng Tagalabas Ang abstrak na ito ay tungkol sa kwento ng kaapihan, katiwalian at korapsiyon sa loob ng Ospital. Dito, nabanggit ng awtor ang isang kaugalian ang "Pakikipag kapwa-tao" bilang solusyon sa problema. Inilahad din dito ang pagkamukat ng isang doktora sa nagaganap sa isang Ospital. At dito ay ipinakita din kung paano niya hinarap ang mga hamong iyon. *Karanasan ng isang batang ina: Isang Pananaliksik Ang abstrak na ito ay tungkol sa karanasan ng isang batang ina. Sa abstrak na ito Inilahad kung ilan ang mga naging batang ina at kung ano ang epekto nito sa kanila. 2. Bukod sa nilalaman, Ano pa ang kanilang ipinagkaiba? Para sa akin, Ang estilo ng pagsulat ng dalawang awtor ang pinagkaiba nito. Dahil mas madaling naintindihan ang Impormatibong Abstrak at sa unang basa pa lamang at alam mong maiintindihan mo na. 3. Alin sa mga abstrak na sulatin ang higit mong naintindihan? Ang abstrak na aking higit na naintindihan ay ang karanasan ng isang batang ina: Isang Pananaliksik, sapagkat ito ay napapanahon at madami ang makakaunawa nito. Bilang isang kabataan, Ang Abstrak na karanasan ng isang batang ina ang mas higit kong naunawaan. Dahil pwede nating ilagay sa sarili natin ang mga nararamdaman ng mga batang ina. At tayo ay mahahabag sapagkat kapwa kabataan ang nakararanas nito. -Camarillo

No comments:

Post a Comment