Wednesday, December 27, 2017

Mary Joy B. Carmen

Dyornal #01

Bakit mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag aaral sa iba't ibang larangan ng akademik?

     Kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ay mga anyo ng sulatin na ginagamit sa pag aaral. Ang kalikasan ay isang pisikal na paraan ng pag sulat na ginagamitan ng papel at ballpen. Ang layunin ito ay ang gabay kung papaano ang maayos na pag sulat ng akademiko. At ang paraan ng pag sulat ito naman ay ang paraan kung papaano gumawa at maisaayos ang sulatin.
   
     Mahalagang malaman ang mga sulating ito, sapagkat ito ang magmimistulang gabay sa mga mag aaral kung papaano gumawa ng maayos na sulatin na nakabatay sa paksang nais isaliksik. Ang mga ito ay makatutulong upang masaayos at nakabatay ang pagsulat sa nais na marating at mayroong pinagtutuunang pansin na makatutulong sa ibang mag aaral.
   
     Ang iba't ibang anyo ng sulatin ay nararapat na pag aralan at pakahalagahan sapagkat ito ang makatutulong uang maisagawa ng maayos ang sulatin na makapagbibigay impormasyon para sa larangang akademiko.

No comments:

Post a Comment