Monday, December 4, 2017

Dyornal no. 1
Bakit mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't ibang larang akademik? Ang pagsulat ay isang mahalagang gawain para sa mga mag-aaral. Upang makagawa ng maayos na katha, kinakilangan na ang isang tao o mag-aaral ay mayroong sapat na kaalaman sa pagsusulat. Mahalagang malaman natin ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't ibang larang akademik upang mas mahasa at magkaroon ng sapat na kaalaman upang matuto at maproseso ang isip kung paano ang tamang pagsulat ng isang sulating akademiko. Mahalagang malaman ang mga ito upang kung tayo ay maatasan magsulat ng isang katha ay hindi tayo malilito at magkakamali, Mayroon tayong sapat na kaalaman upang gumawa at makagawa ng isang katha. Dahil dito, hindi tayo mahihirapan at malilito sa ating pagsusulat. Sa huli, Nararapat na magpokus at magkaroon tayo ng sapat na oras upang pag-aralan ang kalikasan, layunin at oaraan upang mahasa ang ating isipan at matuto tayong mag proseso ng naaayon. Sa pagsusulat ay mayroong mga prosesong sinusunod upang makagawa ng maayos at magandang sulatin.

-Camarillo


No comments:

Post a Comment