Mary Joy B. Carmen
Sulatin # 1
Pamagat ng Paksa
"Internship : Kuwentong Loob ng Tagalabas"
Mananaliksik
Graziel Ann Ruth Latiza
Institusyon
Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arts at Literatura, Diliman, Lungsod Quezon
Mahalagang Impormasyon ng pag-aaral
Sentral na paksa sa pag aaral ang etika ng mga doktor na ginamit ng awtor bilang lunsaran ng mga kwento ng kaapihan, katiwalian, at korupsiyon sa loob ng tipikal na ospital sa Piliinas sa kasalukuyang panahon.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang kahalagahan ng pag aaral ay ipinapakita sa pananaliksik kung ano ang mga proseso sa paghahanap ng koneksiyon ng medisina at panitikan. Dito ipinapakita kung anu-ano ang koneksiyon ng dalawa, upang mabigyan ng ideya ang mga mambabasa o sa mga interesado sa sulating ito.
1. Tungkol saan ang mga abstrak na binasa?
"Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas
- Tinatalakay dito ang hindi magandang gawain ng mga doktor.
Karanasan ng isang Batang Ina
- Tinatalakay dito ang karanasan ng mga batang ina kung papaano nila natataguyod ang mga pagsubok sa kanilang buhay.
2. Bukod sa nilalaman ano pa ang kanilang pinagkaiba
"Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas
- Ito ay deskriptibo sapagkat ipinapahayag lamang dito ang ideya ng sulatin.
Karanasan ng isang Batang Ina
- Ito ay impormatibo dahil ipinahahaya dito ang karanasan ng mga batang ina na pumupukaw sa puso ng mga mambabasa.
3. Alin sa mga abstrak ang higit mong naunawaan?
Ang higit kong naunawaan ay ang "Karanasan ng isang Batang Ina". Dahil pinukaw nito ang aking pag iisip na mas lalong pahalagahan ang aking sarili sapagkat ang pagiging batang ina ay hindi madali, na pinapakita dito na mas mag aral ng mabuti na wag magmadali sa buhay dahil ang bawat isa ay darating din sa ganyang kalagayan kailangan lang muna nating mag saya sa buhay na meron tayo sa kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment