Saturday, December 30, 2017

Marilou Salugsugan Dyornal #1

JOURNAL #1 1. Bakit mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't-ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't-ibang larang akademiko?

Mahalagang malaman ang kalikasan,layunin at paraan ng pagsulat ng iba't-ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't-ibang larang akademiko sapagkat kung mayroog layunin ang pagsulat, dito mo malalaman kung ano ba ang nais mong marating na kung saan ay mabibigyan ka ng mga kasagutan. Mayroon ding layunin ang akademiko g pagsulat na magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na mamlibang lamang. Sa kahalagahan din ng layunin at paraan ng pagsulat natatalalay rito ang katangian at ang layunin ng akademikong pagsulat na ginagamit sa iba't-ibang larang upang pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa paggawa nito. At kung ang layunin mo ay hindi maayos maaaring mahantong ito sa pagkakaroon ng hindi malinang na pagsulat kaya't upang mahubog ang mga mag-aaral kailangan ay mayroong taglay na katangian sa pagkilala sa iba't-ibang anyo ng sulatin sa pagsulat katulad na lamang ng pagiging malikhain, pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon na makakapagpabuti para sa kani-kaniyang sarili. Kung ang isang mag-aaral ay may ideya sa pagsulat ng iba't-ibang anyo ng sulating ginagamit sabpag-aaral sa iba't-ibang larang akademiko maaari nya itong maibahagi sabibang mag-aaral upang kahit papaano ay magamit nya at makatutulong pa sya sa mga ito. Kung ito ay susundin maaaring hindi nya makakalimutan ang kanyang mga kaalaman sapagkat nakatatak na ito sa kanyang isipan. Sa larang akademiko dapat ay may alam ang mag-aaral sa itinatawag na macro ng kasanayan katulad na kamang ng pagbasa na dapt ay hindi lamang ibinabasa kundi ay isinasa puso din. Pagsasalita, pakikinig, panonood, pag-unawa at higit sa lahat ay ang pagsulat. Dito sa mga ito, walang ipinipilng tao na dapat ay sila lamang ang may karapatan na gawin iyon sapagkat tayo ay pantay pantay kahit na iba't-iba ang antas ng ating pamumuhay sapagkat walang pinili ang pang akademiko.

No comments:

Post a Comment