Saturday, December 30, 2017

Marilou Salugsugan Sulatin Blg. 1





Pamagat ng paksa: Ang pamagat ng paksa ay Internship: Kwentong loob ng tagalabas 

Mananaliksik: Ang mananaliksik ay si Graziel Ann Ruth Latiza

Institusyon: Ang institusyon ay sa Unibersidad ng Pilipinas, kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lungsod Quezon.

Mahahalagang impormasyon ng pag-aaral: Ang isa sa mga mahahalagang impormasyon ng pag-aaral tinutukan dito ang proseso ng paghahanap ng koleksiyon ng medisina at panitikan kung saan ang proseso ng pagbuo at pagsulat ng piksyon ay ginagamit bilang pamalit sa dyonalistikong pananaliksik at pamamahayag.Ansbcbxn

Kahalagahan ng Pag-aaral: Ang kahalagahan ng pag-aaral ay upang mamulat ka sa totoong sitwasyon na ito ay makakaya mong harapin at lutasin kung ano man ang mga problema na mayroon ka.

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang Abstrak na binasa?
2. Bukod sa nilalaman, Ano pa ang kanilang ipinagkaiba?
3. Alin sa mga abstrak na sulatin ang higit mong naunawaan? Ipaliwanag.

Sagot:
1.Ang abstrak ay tungkol sa karanasan ng mga batang ina sa aspeto ng emosyonal, spiritual, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal


2.Yung isa na ang pamagat ay Internship: Kuwentong loob ng tagalabas, ito ay tungkol sa paghahanap ng koneksyon ng medisina at panitikankung saan ang proseso ng pagbuo at pasulat ng piksyon ay ginagamit bilang pamalit sa dyornalistikong pananaliksik at pamamahayag habang ang isa ay upang malaman at mabatid kung ano ang mga ipinagdadaanan ng mga batang ina. Dito ay makikita rin na sa paggamit ng mean ang resulta ay lumalabas na walang ipinagkaiba ang batang ina upang ito ay tumingin at mag patuloy sa pag-aaral.


3. Ang higit kong naunawaan na abstrak na sulatin ay sa karanasan ng mga batang ina sa aspeto ng emosyonal, spiritual, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Dahil dito ay hindi gumamit ng malalalim na salita kaya naman ay lubos ko itong naunawaan.

Marilou Salugsugan Dyornal #1

JOURNAL #1 1. Bakit mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't-ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't-ibang larang akademiko?

Mahalagang malaman ang kalikasan,layunin at paraan ng pagsulat ng iba't-ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't-ibang larang akademiko sapagkat kung mayroog layunin ang pagsulat, dito mo malalaman kung ano ba ang nais mong marating na kung saan ay mabibigyan ka ng mga kasagutan. Mayroon ding layunin ang akademiko g pagsulat na magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na mamlibang lamang. Sa kahalagahan din ng layunin at paraan ng pagsulat natatalalay rito ang katangian at ang layunin ng akademikong pagsulat na ginagamit sa iba't-ibang larang upang pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa paggawa nito. At kung ang layunin mo ay hindi maayos maaaring mahantong ito sa pagkakaroon ng hindi malinang na pagsulat kaya't upang mahubog ang mga mag-aaral kailangan ay mayroong taglay na katangian sa pagkilala sa iba't-ibang anyo ng sulatin sa pagsulat katulad na lamang ng pagiging malikhain, pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon na makakapagpabuti para sa kani-kaniyang sarili. Kung ang isang mag-aaral ay may ideya sa pagsulat ng iba't-ibang anyo ng sulating ginagamit sabpag-aaral sa iba't-ibang larang akademiko maaari nya itong maibahagi sabibang mag-aaral upang kahit papaano ay magamit nya at makatutulong pa sya sa mga ito. Kung ito ay susundin maaaring hindi nya makakalimutan ang kanyang mga kaalaman sapagkat nakatatak na ito sa kanyang isipan. Sa larang akademiko dapat ay may alam ang mag-aaral sa itinatawag na macro ng kasanayan katulad na kamang ng pagbasa na dapt ay hindi lamang ibinabasa kundi ay isinasa puso din. Pagsasalita, pakikinig, panonood, pag-unawa at higit sa lahat ay ang pagsulat. Dito sa mga ito, walang ipinipilng tao na dapat ay sila lamang ang may karapatan na gawin iyon sapagkat tayo ay pantay pantay kahit na iba't-iba ang antas ng ating pamumuhay sapagkat walang pinili ang pang akademiko.

Wednesday, December 27, 2017

Mary Joy B. Carmen
Sulatin # 1

Pamagat ng Paksa
 "Internship : Kuwentong Loob ng Tagalabas"

Mananaliksik
 Graziel Ann Ruth Latiza

Institusyon
 Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arts at Literatura, Diliman, Lungsod Quezon

Mahalagang Impormasyon ng pag-aaral
 Sentral na paksa sa pag aaral ang etika ng mga doktor na ginamit ng awtor bilang lunsaran ng mga kwento ng kaapihan, katiwalian, at korupsiyon sa loob ng tipikal na ospital sa Piliinas sa kasalukuyang panahon.   

Kahalagahan ng Pag-aaral
 Ang kahalagahan ng pag aaral ay ipinapakita sa pananaliksik kung ano ang mga proseso sa paghahanap ng koneksiyon ng medisina at panitikan. Dito ipinapakita kung anu-ano ang koneksiyon ng dalawa, upang mabigyan ng ideya ang mga mambabasa o sa mga interesado sa sulating ito. 

1. Tungkol saan ang mga abstrak na binasa?
 "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas
 - Tinatalakay dito ang hindi magandang gawain ng mga doktor. 
 Karanasan ng isang Batang Ina
 - Tinatalakay dito ang karanasan ng mga batang ina kung papaano nila natataguyod ang mga pagsubok sa kanilang buhay. 

2. Bukod sa nilalaman ano pa ang kanilang pinagkaiba
 "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas
 - Ito ay deskriptibo sapagkat ipinapahayag lamang dito ang ideya ng sulatin. 
 Karanasan ng isang Batang Ina
 - Ito ay impormatibo dahil ipinahahaya dito ang karanasan ng mga batang ina na pumupukaw sa puso ng mga mambabasa. 

3. Alin sa mga abstrak ang higit mong naunawaan?
 Ang higit kong naunawaan ay ang "Karanasan ng isang Batang Ina". Dahil pinukaw nito ang aking pag iisip na mas lalong pahalagahan ang aking sarili sapagkat ang pagiging batang ina ay hindi madali, na pinapakita dito na mas mag aral ng mabuti na wag magmadali sa buhay dahil ang bawat isa ay darating din sa ganyang kalagayan kailangan lang muna nating mag saya sa buhay na meron tayo sa kasalukuyan. 
Mary Joy B. Carmen

Dyornal #01

Bakit mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag aaral sa iba't ibang larangan ng akademik?

     Kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ay mga anyo ng sulatin na ginagamit sa pag aaral. Ang kalikasan ay isang pisikal na paraan ng pag sulat na ginagamitan ng papel at ballpen. Ang layunin ito ay ang gabay kung papaano ang maayos na pag sulat ng akademiko. At ang paraan ng pag sulat ito naman ay ang paraan kung papaano gumawa at maisaayos ang sulatin.
   
     Mahalagang malaman ang mga sulating ito, sapagkat ito ang magmimistulang gabay sa mga mag aaral kung papaano gumawa ng maayos na sulatin na nakabatay sa paksang nais isaliksik. Ang mga ito ay makatutulong upang masaayos at nakabatay ang pagsulat sa nais na marating at mayroong pinagtutuunang pansin na makatutulong sa ibang mag aaral.
   
     Ang iba't ibang anyo ng sulatin ay nararapat na pag aralan at pakahalagahan sapagkat ito ang makatutulong uang maisagawa ng maayos ang sulatin na makapagbibigay impormasyon para sa larangang akademiko.

Wednesday, December 6, 2017

Czheenah Marie Gueco Maquirang
Sulatin # 1

Pamagat ng Paksa
 "Internship : Kuwentong Loob ng Tagalabas"

Mananaliksik
 Graziel Ann Ruth Latiza

Institusyon
 Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arts at Literatura, Diliman, Lungsod Quezon

Mahalagang Impormasyon ng pag-aaral
 Paghahanap ng koneksiyon ng medisina at panitikan kung saan ang proseso ng pagbuo at pagsulat ng pilsiyon ay ginagamit bilang pamalit sa dyornalistikong pananaliksik at pamamahayag

Kahalagahan ng Pag-aaral
 Kahalagahan nito ang etnika ng mga doktor sa kasalukuyan, ngunit pinili pa rin ng awtor na suongin ang usapin na ito bilang pagsubok sa pagbibigay-pugay rin sa mga doktor na naniniwala pa rin sa pagiging una ng sinumpaang tungkulin higit sa lahat sa pamamagitan ng panitikan. Ang tinuturing na katibayan ng kultura ng yumayaman sa pagdaan ng panahon

1. Tungkol saan ang mga abstrak na binasa?
 "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas
 - Ito ay tungkol sa mga hindi etikal na ginagawa ng mga doktor
 Karanasan ng isang Batang Ina
 - Ito ay tungkol sa pinagdaanan ng mga batang ina sa anim ma aspeto emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal

2. Bukod sa nilalamab ano pa ang kanilang pinagkaiba
 "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas
 - Ito ay isang deskriptibo dahil inilalarawan lang nito kung paano ipinahayag ang pangunahing ideya
 Karanasan ng isang Batang Ina
 - Ito ay isang impormatibo dahil ipinahahayag niya sa akin ang mga mahahalagang punto ng paksa

3. Alin sa mga abstrak ang higit mong naunawaan?
 Ang higit kong naunawaan ay ang "Karanasan ng isang Batang Ina". Dahil dito nagkaroon ako ng ideya tungkol sa mga bagat at mga nararanasan ng isang Batang ina. Bilang isang estudyante na babae nararapat sa akin ito na mas maintindihan ko. Hindi madali ang lahat kaya bago ka gumawa ng mga aksyon, isipin mo muna kung kakayanin mo ba ang mga pagsubok na tatahakin mo
Czheenah Marie Gueco Maquirang
Dyornal # 1

Bakit mahalagang malaman ang kalikasan layunin at paraan ng pag ulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag aaral sa iba't ibang larang akademiko

 Mahalagang malaman natin ang layunin at paraan ng pag-ulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral upang maliwanagan tayo sa mga ginagawa nating mga sulating pang-akademiko. Dapat alam ng bawat isa ang layunin at paraan para kapag sila na ang gagawa ng sulating pang akademiko

Ang kalikasan ng isang pagsulat ay kailangan nating malaman ang mga layunin at paraan nito. Upang alam natin ang mga kailangan nating gawin sa ating gagawing sulatin. Upang magkaroon din ng paksa at nilalaman ang isang sulatin tulad ng ginagawa ko ngayon ang pagsulat ng isang dyornal na inisip ko muna ang mga layunin at paraan bago ako nagsulat ng ganitong uri ng pagsulat

Mahalaga na malaman natin ang lahat ng dapat nating gawin sa isang sulatin upang maging maayos ang kinalalabasan ng ating pagsulat. Dapat bago tayo gumawa ng isang sulatin dapat alam muna natin ang layunin ng ating isusulat na sulating pang akademiko

Monday, December 4, 2017

sulatin blg. 1

Pamagat ng paksa:
      "Intership:Kwetong loob ng tagalabas."

Mananaliksik:
       Graziel Ann Ruth Latiza (2015)

Institusyon:
      Unibersidad ng pilipinas, kolehiya ng arte at literatura, Diliman, Lungsod Quezon

Mahalagang Impormasyon:
       Ang mahahalagang impormasyon sa abstrak na ito ay ang proseso ng pagbuo at pagsulat ng piksyon ay ginagamit bilang pamalit sa dyornalistikong pananaliksik at pamahayagan. Ang abstrak na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng etika ng mga doktor. Sa kabila ng katotohanan na kahit hindi isang estudyante ng medisina and mananaliksik o may akda ay naipahayag niya ng mabuti at maganda ang mga nararamdaman ng isang estudyante ng medisina kung ano ang kanilang mga nararanasan.

Kahalagahan ng pag-aaral:
      Ang kahalagahan ng pag-aaral at tayong mga normal na manunuat o tao ay kayang magbigay ng sariling impormasyin o kaya din nating sumulat ng isang bagay kahit hinsi natin ito nararamdaman. Sa pamamagitan ng ating limang sesnses kaya natin gampanan ang isang personalidad base sa nakikita at naririnig natin. At dapat sinusunod natin ang mga palatuntunin upang makabuo ng isang magandang abstrak.


Mga tanong:
1. Tungkol saan ang mga abstrak na binasa?
2. Bukod sa nilalaman, ano pa nag kanilag pagkakaiba?
3. Alin sa mga abstrak ng sulatin ang higit mong naunawaan? Ipaliwanag.

Mga sagot:

1.Ang abstrak na nasa libro ay tungkol sa isang doktora na kakatapos lang ng kanyang intership kung saan ang author ay hindi talaga isang estudyante ng medisina siya ay naging pangatlong personsa lamang. Samantala ang isang abstrak naman ay patungkol sa batang ina kung ano ano ang kanyang mga nararansan niya, na ginamitang ng isang quantitative na proseso sa pananaliksik para makuha ang resulta.

2. .Ang abstrak na nasa libro ay tungkol sa isang doktora na kakatapos lang ng kanyang intership at ang mananaliksik dito sa realidad ay hindi isang estidyante ng medisina siya ay naging pangatlong persona lamang upang ikwento sa mga mambabasa ang mga nararanasan ng isang estudyante ng medisina. Habang isang abstrak naan ay tungkol sa mga batang ina kung saan sila ay dumadaan sila sa anim na aspeto at iyon ay ang mga emosyonal, espiritual, mental, pinansiyal, relasyon at sosyal ang abstrak rin na ito ay nagmula sa isang pananliksik na quantitative.

3. Para sa akin mas naunawaan ko ang pangalawang halimbawa na abstrak dahil direkto ang ipinahahayag nito hindi ka malilito kung ano nga ba talaga ang nilalaman ng abstrak. Madaling tukuyin ang methodolohiya ng abstrak na ito, at detelyadi ang lahat ng bagay sa abstrak na ito. Kung saan isa eto sa mga halimbawa upang maging maganda ang isang abstrak.
Dyornal no. 1


Bakit mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pagaaral sa iba't ibang larang akademiko.



                 Mahalagang malaman ang kalikasan,layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral dahil maari itong o possible itong makatulong sa atin sa pag-aaral o hanggang sa pag nagkaroon na tayo ng kanikaniyang trabaho.



              Bilang isang mag-aaral mahalagang malaman ang mga itong bagay na ito. Dahil sa bawat stage ng ating pag-aaral mas lalong nagiging mahirap at mas lumalalim ang mga pinag-aaralan natin. Kaya dapat sa bawat pag-aara; at stage ng ating pagaaral ay dapat isinasa-puso at iniintndi talaga natin mabuti ang bawat salita. Dahil sa ating pag-aaral dapat ay natututo tayo ng iba't ibang paraan upang maging pundasyon ito ng ating kinabukasan o hinaharap.


-Reque




Sulatin blg. 1 Pamagat ng Paksa: Ang pamagat ng paksa ay "Internship: Kwentong Loob ng Tagalabas" Mananaliksik: Ang mananaliksik ng Abstrak ay si Graziel Ann Ruth Latiza. Institusyon: Ang institusyon niyang pinanggalingan ay sa Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lungsod ng Quezon. Mahahalagang Impormasyon ng pag-aaral: Ang mga mahahalagang impormasyon ng pag-aaral ay Una, Ito ay nagbigay sa atin ng kaalaman kung ano ang nangyayari sa loob ng isang Ospital. Pangalawa, Inilahad din dito ang mga etika ng isang doktor at kung paano niya tratuhin ang kanyang mga nakakasalamuha sa loob ng Ospital. At ipinakita din dito ang katapangan na ilahad sa Abstrak na ito ang kanyang mga nalalaman. Kahalagahan ng pag-aaral: Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay imulat tayo sa kung ano ang nangyayari sa loob ng isang Ospital at upang iparamdam sa atin ang nararamdaman ng iba buhat sa mga nangyayari. At upang malaman natin kung ano ang katotohanang nangyayari sa loob ng isang Ospital. Mahalagang alam natin ang mga ito upang magkaroon tayo ng kaalaman sa kung ano nga ba ang Etika ng mga Doktor. Mga tanong: 1. Tungkol saan ang mga Abstrak na binasa? *Internship: Kwentong Loob ng Tagalabas Ang abstrak na ito ay tungkol sa kwento ng kaapihan, katiwalian at korapsiyon sa loob ng Ospital. Dito, nabanggit ng awtor ang isang kaugalian ang "Pakikipag kapwa-tao" bilang solusyon sa problema. Inilahad din dito ang pagkamukat ng isang doktora sa nagaganap sa isang Ospital. At dito ay ipinakita din kung paano niya hinarap ang mga hamong iyon. *Karanasan ng isang batang ina: Isang Pananaliksik Ang abstrak na ito ay tungkol sa karanasan ng isang batang ina. Sa abstrak na ito Inilahad kung ilan ang mga naging batang ina at kung ano ang epekto nito sa kanila. 2. Bukod sa nilalaman, Ano pa ang kanilang ipinagkaiba? Para sa akin, Ang estilo ng pagsulat ng dalawang awtor ang pinagkaiba nito. Dahil mas madaling naintindihan ang Impormatibong Abstrak at sa unang basa pa lamang at alam mong maiintindihan mo na. 3. Alin sa mga abstrak na sulatin ang higit mong naintindihan? Ang abstrak na aking higit na naintindihan ay ang karanasan ng isang batang ina: Isang Pananaliksik, sapagkat ito ay napapanahon at madami ang makakaunawa nito. Bilang isang kabataan, Ang Abstrak na karanasan ng isang batang ina ang mas higit kong naunawaan. Dahil pwede nating ilagay sa sarili natin ang mga nararamdaman ng mga batang ina. At tayo ay mahahabag sapagkat kapwa kabataan ang nakararanas nito. -Camarillo
Dyornal no. 1
Bakit mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't ibang larang akademik? Ang pagsulat ay isang mahalagang gawain para sa mga mag-aaral. Upang makagawa ng maayos na katha, kinakilangan na ang isang tao o mag-aaral ay mayroong sapat na kaalaman sa pagsusulat. Mahalagang malaman natin ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't ibang larang akademik upang mas mahasa at magkaroon ng sapat na kaalaman upang matuto at maproseso ang isip kung paano ang tamang pagsulat ng isang sulating akademiko. Mahalagang malaman ang mga ito upang kung tayo ay maatasan magsulat ng isang katha ay hindi tayo malilito at magkakamali, Mayroon tayong sapat na kaalaman upang gumawa at makagawa ng isang katha. Dahil dito, hindi tayo mahihirapan at malilito sa ating pagsusulat. Sa huli, Nararapat na magpokus at magkaroon tayo ng sapat na oras upang pag-aralan ang kalikasan, layunin at oaraan upang mahasa ang ating isipan at matuto tayong mag proseso ng naaayon. Sa pagsusulat ay mayroong mga prosesong sinusunod upang makagawa ng maayos at magandang sulatin.

-Camarillo