Monday, February 5, 2018

Marilou Salugsugan #2

Isabuhay mo (Jan. 22)

  1. Mahahalagang aral na pumukaw sa aking kaisipan
Huwag mag papa-apekto sa mga isinasabi ng ibang tao sa iyo. Si God ay lagi lamang nasa tabi kahit ano man ang mangyari ay hindi nya parin tayo papabayaan at saka yung mga obstacle na pinagdadaanan sa buhay ay isa lamang itong challenge na magpupukaw sa ating isipan na kaya natin iyong malampasan

  1. Pag-uugnay sa sariling karanasan
Sa kwentong sanaysay, yung pangatlong panauhan, sa mga bagay na nararanasan nya ay may pagkakatulad din sa aking karanasan. Yung tipong parati din akong may hinahabol katulad na lamang noong Grade 11 ako sa subject ni Sr. Carlo na hindi ako o kami ng kagrupo ko magkandaugaga kung ano ba ang una naming gagawin para maipasa yung video dahil wala naman kaming loptop, computer at lalo na internet connection para ma edit yung video na iginawa naman kaya noong pasahan na ay hindi kami nakaabot at na huli pa kami sa P.E subject namin na kailangan naming sumayaw pero sa dulo dion ko napagtanto na lahat ng problema ay may solusyon. Noong panahon na iyon ay kinausap namin ang teacher namin sa dalawang subject at sa bandang huli ay pumayag din ang mga ito.

  1. Pagsasabuhay sa natuklasan sa iyong sarili

Doon ko napagtanto na si God ay hindi tayo iiwan. Natuklasan ko sa aking sarili na hindi pa huli ang lahat dahil doon sa aking sariling karanasan noong panahon na iyon ay tila ba nawawalan na ako mg ganang ipasa pa iyon ngunit salamat sa diyos dahil ipinagbigyan kami ng chansa na ipasa pa iyon at makahabol kahit huli na sa tamang oras

No comments:

Post a Comment